Chapter 3

5 0 0
                                    

---------
"Mama! si papa! tulungan natin si papa. nasa loob siya" the fire is getting bigger, lalo pang kumapal ang usok sa bahay, I'm crying so hard

"Beth, halika na" I heard my mom cried

"Pero mama si papa, nasa loob siya"
at biglang bumagsak ang isang kahoy na napakalaking nag aapoy at tumama ito kay papa, kitang kita ng mga mata ko

"Noooooooooooooo!!!!!!!!!!!!! Papa!!!!!"

Pagmulat ng mata ko, ramdam ko ang luhang tumulo sa gilid ng mga ito. I'm staring at my ceiling, and again it was that nightmare. 2:43 am pa lang, at nagising ako mula sa masamang panaginip na yun. Halos gabi gabi nauulit ang panahong nawala samin si papa. 10 years ago, a mysterious case was closed by the law without having it solved. We don't know who started the fire that night. At ito ung bumubuhay sa mga galit kong ugat, ang maalala ang pangyayaring hinding hindi ko inaasahan.
------------
"Hoy Beth? anong drama yan at di mo ginagalaw ang pagkain mo?" my mom was always like that after the accident. Si mama kase masiyahin, kalmado at hindi bungangera, ung tipong mabait na maamong mama. But, don't get me wrong, she is still a good mother and she will always will. Yun nga lang naging hyper siya, un bang parang kahit nasasaktan siya kase nawala ang pinakamamahal niyang lalaki sa mundo is laban lang, nandito pa ung anak ko, kaylangan kong maging matapang, ung parang ganon, kaya I salute her.

"Beth, malamig na pagkain, hoy!"

"Ay mama ng kalabaw!  ano ba ma,"

"Eh bakit ba kase di ka kumakain, malelate ka na sa school mo."

"Ma, alam mo ba, napanaginipan ko na naman ung sunog." at bigla namang sumeryoso mukha ni mama.

"Beth, pwede ba, move on na tayo, wag mo na ikwento sa akin ang gabing iyon. I mean, sobrang nalulungkot ako kapag naiisip ko yun." My mom is tough, pero pag dating sa gabing yun, ayan she is the most weak person in the world

"Sorry ma, di na mauulit" sabay inom ko ng tubig.

"Sige ma, una na ako" I kissed her and left.

Naglalakad na ako pa school, nag aalala ako kay mama, hirap na hirap siya mag pretend na okay siya. Huhu, alangan naman sabihin ko kay mama na "mama, iiyak mo lang sakin yan" parang awkwa-----waaaaaahhhhhh!!!!

Bigla akong napasigaw kase natapilok ako.

"Aray naman, ang sakit, bakit ba naman kase may bato dito. Aray ko" sinusubukan kong tumayo, pero ang sakit "aray ko, ang lapit lapit ko na sa school, natapilok pa ako, hindi rin talaga ako clumsy eh" bigla akong may narinig na ting ting ng bike, at paglingon ko salikod bike nga, pero ang nakasakay ung evil, si Zach, huminto siya sa harap ko, remember nakaupo pa ako dito sa lupa

"Bat nakaupo ka sa lupa?"  tanong niya sakin habang bumababa ng bike, wow tutulungan niya ako, sa bagay kahit enemies kami, if may makakita sa tulad ko ngayon, tutulungan ako

"natapilok kase ako eh" sabi ko habang ni rereach ko ung kamay ko sa kanya, nang bigla siyang naglakad papasok ng gate akay akay ang bike niya. Ha?! Ano? ano daw? Di niya ako tutulungan, Inakay niya ung bike niya, pero ako hindi? Wow, masyado ako nag expect

"Hoy, Zachhhh! Di mo man lang ako tutulungan?! " sigaw ko sa kanya

"Nope" sabi niya habang nag wave pa na kala mo ay nagbabye sakin habang naglalakad. Yaaaahhh, nakakainis siya. Sobra. Wala siyang bait. Abno siya, di siya tao.
"Waaaaaahhhhhhhh" sigaw ko kase inis na inis na ako at di ako makatayo, naiiyak na din ako sa inis

"Miss, bat nakaupo ka jan" Ha? sino yun, paglingon ko sa likod, si Javier, ung crush ni Faith, speaking of Faith, di pa siya nagtetext at nadating ah.

"Ahh.. eh.. natapilok ako eh" hays

"Oh, bat di ka pa tumayo?" oo nga naman, eh ano ba masakit nga paa ko

" di ko kase kaya, masakit ung paa ko eh"

"patingin nga" at bigla siyang bumaba at yumuko apara tignan ang paa ko, wow bigla siya nag shine hahahah, ano un, parang biglang lumiwanag awra niya eh hahahah

"Naku, na sprain mo ata ankle mo, namamaga eh, halika samahan kita sa clinic." wow bait pala tong javier na to, boto na ko sa kanya para kay Faith hahaha, tatayo na sana ako pero "Aaahhhh ( ung nasasaktan) aray, ang sakit talaga eh" masakit talaga parang kailangan ko na hospital, mapipilay na ata ako huhuhu, ano ba nangyayari sakin, bat ang malas ko----"ooooohhh"
bigla ba naman akong alalayan ni Javier at buhatin, ung parang newlyweds

"Hoy ano ka ba?! anong ginagawa mo?!" tanong ko sa kanya, naglalakad na kami, malapit na kami sa gate ng school, at pihadong issue pag may nakakita saking buhat ng lokong to

"di ka makatayo, edi buhatin, pano ka makakarating ng clinic" sabay ngiti niya sakin, ay nakatingin ako sa kanya habang nagsasalita, ay gwapo talaga eh.

"ibaba mo na ako, pleaseeee, alalayan mo na lang ako" nasa gate na kami

"No, hindi pede" sabi niya

"Oy, ano yan ha?!" si manong guard nagtatanong

"Ay manong, na sprain niya paa niya, di makalakad, dalhin ko lang sa clinic"
"Ah sige," sabi ni guard

"Hala nakakahiya talaga" sabi ko, hiyang hiya kase ako eh

"Kung nahihiya ka, umub-ob ka na lang sa dibdib ko." nagulat ako sa sinabi niya, pero no choice, parami na ng parami ang students na nakakakitta sa min eh, kaya umub-ob na ako sa kanya hanggang makarating kami sa clinic.

Ang bango niya, hahahahah, super, ang sarap dito sa pinaglalagyan ng ulo ko. Manyak na ba ako? hahhaahha

"Nandito na tayo" rinig ko naman eh, pero bat ayaw tumunghay na ulo ko

"Huy, Miss nandito na tayo" ayan tumunghay din,
"Ay, sorry nakatulog ako" kakahiya, ang lame ng reason ko, nakatulog ay ang lapit lapit ng clinic sa gate

"Nakatulog, o nabanguhan, pulang pula ang mukha mo miss. Ang cute, ripe tomato oh. Intayin mo na lang ang nurse. Una na ako."
at umalis na siya. Ano, ako ripe tomato, ganon ba ko kapula? hala nakakahiya. Pero hindi un eh, ano daw? cute daw ako? hala, bat bigla atang tumibok puso ko. No, No, No, My goshhhh.

"Iha, anong nangyari sayo" dumating na pala si nurse.

I told her what happened, she fixed my sprained ankle with a bandage. Pinahiram niya din ako ng saklay para daw makapunta ako sa room ko. Makapal kase bandage eh, grabe daw pamamaga eh, di daw kase naagapan ung sprain. Eh kase naman, kung tinulungan ako agad ng tukmol na Zach na un edi sana naagapan. Di tuloy ako nakaattend ng 2 first subject ko. I am wondering bakit wala man lang text si Faith sakin. Ako na lang magtext sa kanya.

To: Frienny♥️

Faith, saan ka? Pumasok ka ba?
Sent.

"Buti na lang may nagdala at biglang nagbigay ng saklay dito sa clinic. Timing na timing iha, ngayong imaga lang, actually" biglang imik ni nurse. Wow naman, swerte ko naman.

"Talaga nurse, ang timing naman nga po. Sino po nagbigay"

" Yung sikat na sikat na transferee ngayon sa Junior High. Yung Zach ba yun. "
Whaaaat?!!! Si Zachhhh?!

To be continued.....

We Found LoveWhere stories live. Discover now