Chapter 23

392 18 0
                                    

Habang patakbo ako ay may nakabangga ako sa hallway. Hindi ko na nga inabalang tingnan kung sino ito.

"Sorry po. Sorry." Paghingi ko ng tawad kahit hindi ako nakatingin sa kanya. But based on his scent ay kilala ko na kung sino ito.

"Faye?" Hinawakan niya ang mukha ko kaya napatingin na ako sa kanya. Hindi nga ako nagkamali dahil si mr. Martinez nga ang nakabangga ko pero mas lalo akong umiyak para bang gusto kong ilabas lahat na masakit nangyari kay Mich. "What's wrong?"

Hindi ako makasalita dahil tuloy pa rin ako sa pagiyak ko pero sa hindi ko inaasahan ay niyakap niya ako. He is trying to comfort me.

Dinala na niya ako sa garden at pinaupo sa isang bench dito bago pa siya umupo sa tabi ko.

"What's wrong? Tell me, Faye." Alam kong nagaalala sa akin si mr. Martinez. Alam niya rin hindi ako umiiyak na walang dahilan, sa tagal pa naman namin magkakilala. Simulang bata pa lang ako ay kilala na niya ang ugali ko.

Sinabi ko na rin kay sir Martinez ang nangyari. He is a friend kaya wala naman masama kung magkwento ako sa kanya at saka sinasabi niya rin naman niya sa akin ang problema niya kahit si kuya Peter ang best friend niya.

"Parang ang sama kong kaibigan kay Mich dahil hinayaan ko lang siyang masaktan." Sabi ko pa kay mr. Martinez.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo, Faye dahil hindi mo naman alam ang mangyayari. At hindi naman tayo perpektong tao para hindi makagawa ng mali." Mas lalong niyakap ako ni mr. Martinez para patahanin ako sa pagiyak. Mabuti na lang wala na masyadong tao ngayon baka ano pa ang isipin nila kung makita nila kami. At kung patay na patay pa rin ako kay mr. Martinez ngayon ay baka makalimutan ko ang problema ngayon at mapalitan ng kilig

Faye, tumigil ka! Ang laki na nga ng problema mo, ang pagiging malandi mo ang iniisip mo ngayon. You don't even know how to find your best friend.

"And tell me, what you said to ms. Morales earlier is a lie?" Tumango lang ako sa kanya. "I'm sure you know hindi tama ang pagsisinungaling, Faye."

"Hindi ko naman po pwedeng sabihin kay ms. Morales na heart broken si Mich kaya hindi siya pumasok ngayong araw. It is not a good excuses. And sorry po kung nagsinungaling ako kanina dahil iyon na lang ang natatanging naisip ko."

"Okay, papalampasin ko ang pagsisinungaling mo kanina sa faculty pero huwag mo gagawin iyon ulit ah."

"Promise. Hindi na po talaga mauulit ang pagsisinungaling ko. Iyon na ang first and last."

"Good. At hayaan na muna natin ang nangyari dahil siguro akong magiging maayos ang lahat. Mga bata pa kayo."

"Thank you po dahil nandiyan kayo para makinig sa problema ko ngayon. And I know this will be our last dahil sa Thursday na ang flight mo papuntang Japan, right?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya.

"Hindi pa naman dahil nandito pa ako para sa school festival. Bakit gusto mo na ba ako umalis?"

"Hindi po. Mamimiss ko lang kayo dahil maliban kay kuya ay maging kuya ko na rin kayo. Ang pagkaiba lang ay mabait ka pero si kuya ay may pagkademonyo." Narinig ko ang pagtawa ni mr. Martinez. "Pero huwag niyo pong sabihin kay kuya iyon ah. Lagot ako."

"Okay, hindi ko sasabihin kay Peter ang sinabi mo kanina."

Alam ko naman pagkakatiwalaan ko si mr. Martinez, sabi ko nga kanina simulang bata pa lang ako ay kilala ko na siya maliban kay Mich.

"Sayang nga lang po wala kayo sa graduation namin. Alam ko maman magiging busy ka sa Japan."

"Are you going to invite me on your graduation?" Napatingin ako sa kanya pero awtomatikong tumango ako. "Let see. May isang taon pa naman kayo bago ang graduation and all you need is to enjoy the high school life. Kapag college na kayo ay mas lalong magiging busy na. Pero hindi ako mangangakong makakapunta ako sa graduation niyo ah."

As I said earlier, magiging busy siya sa trabaho niya sa Japan kaya hindi na ako aasang makakapunta siya. Ayaw ko rin naman isturbuhin pa si mr. Martinez sa Japan, no.

"Sir, thank you po sa pakikinig kanina ah." Tumayo na ako sa pagkaupo ko. "Balik na po ako sa classroom para kunin ang gamit ko at makauwi na. Baka kasi hanapin na ako sa amin."

"We're friends, Faye at handa akong makinig sa mga problema mo. Kahit nasa Japan na ako ay huwag kang mahiyang tawagan ako." Ngumiti lang ako sa kanya bago naglakad pabalik sa classroom.

Pagkarating ko sa classroom ay wala ng tao kaya pumasok na ako para kunin ang gamit ko.

"Faye." Nagulat ako ng may tuwag sa pangalan ko. Naplingon ko ay nakita ko si Dante. Ano ang ginagawa niya rito? "Pwede ba tayo magusap?"

Maguusap lang pala pero wala kami dapat pagusapan dahil rinig na rinig ko ang pinagusapan nila ni Louie kanina.

Nilagpasan ko na siya pero hinawakan niya ang braso ko para hindi ako tumuloy sa paglabas ng classroom.

"Faye, talk to me. Ayaw ko ng ganito." Hindi ko siya pinansin at tinanggal ko ang pagkahawak niya sa braso ko. Nagmamadali rin akong lumabas kasi tinawag niya ang pangalan ko. "Faye!"

Ayaw ko na muna siya kausapin o kahit ang kaibigan niya. Ang importante ay ang kaibigan ko, kailangan ako ni Mich. Pero hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin ngayon.

Dumaan na muna ako sa bahay nila Mich para alamin kung nandito ba siya sa kanila.

"Hello po, tita." Nakita ko kasi ang mama ni Mich sa labas ng bahay nila. Mukhang aalis.

"Hello rin sayo, Faye."

"Nandito po ba si Mich ngayon?"

"Oo. Kanina pa siya umuwi at ang sabi niya ay masama ang pakiramdam kaya umuwi siya ng maaga ngayon. Kung gusto mo siyang kausapin, nandoon lang siya sa kwarto niya."

"Salamat po." Pumasok na ako sa loob ng bahay nila dahil pinapasok na ako ng mama ni Mich. Pumunta na rin ako sa kwarto ng kaibigan ko at kumatok. "Mich, si Faye ito. Pwede bang pumasok."

Binuksan ko na ang pinto ng kwarto niya at nakita ko agad si Mich nanonood ng yaoi anime sa kanyang laptop.

"Mich, sorry sa lahat nangyari kanina. Kasalanan ko kung bakit ganito ang nangyari sayo ngayon, kahit alam kong irereject ka lang niya pero hindi kita pinigilan noong sinabi mo sa akin magtatapat ka sa araw mismo ng birthday niya."

"Kalimutan na lang natin ang nangyari kanina, Faye. Makaka move on naman ako agad kahit pa siya ang first love ko."

"Kahit anong mangyari ay dito lang ako sa tabi mo. Hinding hindi kita iiwanan." Tumabi na ako sa kanya sa may kama niya.

"Hindi mo naman talaga ako iniiwanan, eh. Palagi ka nandiyan kapag kailangan ko ng karamay."

"What are friends for? At saka kasama na natin sila Angel at Nath ngayon, okay? They are also our friends."

"No boys muna dahil hindi pa ako handa makita siya."

When A Playboy Fell In Love With An OtakuWhere stories live. Discover now