Nasa masalimuot na reyalidad
Na dapat may marating ang kapasidad
Ako? Napakahirap ang maging ako, na
Sa sasabihin ng iba'y apektadoNang ako'y tumapak na sa paaralan
Pasan ang obligasyong dapat gampanan
Pag aaral ay dapat kong pag igihan
Upang maipagmalaki ng magulangGinawa ko ang lahat upang matuto
Inaral ang bawat mahawakang libro
Sa patimpalak ay sumasali ako
Upang sa paningin nyo 'y maging perpektoPinilit kong abutin ang ekspektasyon
Ngunit kakayahan ko' y may limitasyon
Pangarap kong mababang marka'y sapat na
Dahil ako ay gusto ring magpahingaMinsan iniisip ko nalang tumakas
Umalis at wag ng harapin ang bukas
Nais kong lisanin ang katotohanan
Mga gampanin nais ng talikuran
![](https://img.wattpad.com/cover/177394008-288-k58d399.jpg)