Problem 03

353 28 28
                                    

Ayoko sa kaniya! Mabait lang siya! Hindi siya masyadong gwapo, hindi din mayaman, hindi husky ang voice, hindi masyadong matangkad, at higit sa lahat, walang abs! Like duh! *Le rolls eyes and flips hair*

Hoy. Gaga. Kung gusto mong makahanap ng matinong lovelife, wag mong pinagko-compare sa mga fictional characters na mga lalaki na napapanood mo sa movies, o nababasa mo sa libro at wattpad!

Kaya nga tinatawag na fictional diba kasi hindi totoo at kathang isip lamang ng mga awtor na sumulat nito. Kaya pa'no kayo magwowork-out ng boypren mo niyan kung puro ka ganito, ganiyan. Bakit wala siya nito, bakit hindi siya ganiyan.

Girl, pasampal ka nga muna sa katabi mo ngayon para magising ka sa katotohanang nasa real world ka. Wala sa libro, wala sa mga movie na scripted ang mga sinasabi o ginagawa. Nasa totoong mundo ka kung saan ikaw ang gumagawa at nagdedesisyon ng magiging kilos mo. Hindi lahat ng lalaki ay kagaya nung mga nababasa mo. Ano, mag-aapply ka sa isang kompanya tas yung magiging boss niyo dun saksakan ng yaman, gwapo at sungit tas maiinlababo kayo sa isa't isa, mauuwi sa kasalan at yeheeey! Happy Ending!

G@go. Walang gano'n. Kaya makuntento ka sa kung ano ang meron o kaya ng isang lalaki. Ano'ng magagawa mo eh ganyan lang siya? Ang importante mahal ka. Alam mong hindi ka ipagpapalit sa iba. Aanhin mo ang gwapo kung hindi naman makuntento sa isa? Edi ikaw din lang ang magdudusa. Walang lalaking perfect, okay? Kaya girl, wag masyadong taasan ang standards kung ayaw mong maging dalagang pilipina nalang habang buhay.

Tanggapin mo siya bilang siya Stop being mapili okay? Bakit gandang ganda ka na ba talaga sa sarili mo para maging choosy? Haaay potato

LoveLife  ProblemsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora