Chapter 5

20.9K 727 84
                                    

"Clay! Well, hello, dear cousin!" masiglang salubong ni Crexus sa pinsan. He just sneered at him. Hindi niya ito mapansin dahil panay ang lingon niya kay Julia na tahimik lang sa mesa nito at panay din ang makahulugang sulyap sa kanya. Tumayo ito at dumerecho sa pantry upang ikuha sila ng kape. Gusto niyang humalakhak nang makitang may suot itong balabal sa leeg. He remembered what he did to her last night. Nag-iwan siya ng kiss marks sa balat nito. He was not the type to mark anyone. Unang beses niyang nagawang mag-iwan ng marka sa isang babae at sa hindi pa niya girlfriend.

"Now, now, to what do I owe this pleasure?" nakangiting pang-uusisa ni Crexus, though he still looked dignified and intimidating as usual. Natuto na nga lang itong ngumiti madalas nang mapangasawa ang 'alipin.'

"Oh it's not for your pleasure, it's for mine," he grinned, throwing a glance at the woman who had been bugging his mind lately. If mental images could bite, he would be all bite marks now.

"Really?" The intrigue in Crexus' voice was palpable. "Is there something that I should know?"

"Excuse me." Inilapag ni Julia ang dalawang tasa ng kape sa mesa. "Coffee, Sir."

Clay couldn't help but notice how sweet her scent was. Chanel, he thought. Sweet and sophisticated. Napatitig din siya sa mukha ng dalaga. Kahit na suot pa nito ang salamin ay nakikita niya ang magaganda nitong mga mata. Bumaling ito sa kanya at nagkahulihan sila ng tingin.

"Clay, kape mo," untag sa kanya ni Crexus.

"Ah yes, thank you." Tumikhim siya, gustong batukan ang sarili.

"You're acting weird," puna ng pinsan sa kanya nang makabalik na si Julia sa puwesto nito.

He shook his head. Pilit siyang tumawa upang itago ang pagkapahiya. "Nah, pagod ka lang yata kaya kung anu-ano ang naiisip mo. How's Bella?"

"Ayun puyat kagaya ko. Trabaho din pala ang paggawa ng baby. Look at me, nangangayayat na ako."

Clay chuckled. "Ulol, ginusto mo iyan kaya kayanin mo!"

"Wala akong hindi kakayanin para kay Bella. Mahal ko, eh, at gustung-gusto na naming magkaanak," deklara nitong may ngiti sa labi. "Ikaw naman, when are you going back to Brazil?"

"I'm not sure yet. I'm planning of doing another town city project." Siya ang General Director ng Santa Maria Imperium (SMI). Isang malaking kompanya na pagmamayari ng pamilya niya. Halos sa lahat ng sektor ng negosyo ay may impluwensya ang SMI. The Company was even identified as one of the world's Corporate giants. "And I still have several meetings lined up for this month."

Napailing-iling si Crexus. "You're working too much. Parang ginagaya mo ang dating ako, ah?"

Natawa siya. "Ang dating ikaw? Malabo! Hindi ka tao noon, yelo ka!"

Umiling-iling lang si Crexus, napapangisi pa rin. "Kailan ka naman lalagay sa tahimik? And when will you propose marriage to Catriona?" Childhood sweetheart niya sa Brazil si Catriona. They practically grew up together and at one point ay naging sila ni Catriona. People sort of expected that they would end up as husband and wife someday.

Awtomatiko siyang napalingon kay Julia. He thought he heard her gasp? Nasa likod lang pala ito, dala-dala ang tray ng mga imported cookies. Sa pagkakataong iyon ay hindi na ito tumingin sa kanya. She deliberately ignored him. Inilapag lang nito ang tray sa mesa at nagpaalam na sa boss na magla-lunch break.

"I think I also have to go. Sumabay ka na sa akin, Julia," kaswal niyang presenta. "Samahan mo na akong kumain."

"Mabuti pa nga, Julia, para may kasama ka namang kumain at hindi aali-aligid sa iyo si Donovan," segunda ni Crexus.

Possessive 3: SOLD (PUBLISHED - Bookware)Where stories live. Discover now