Chapter 37: We both need time

13.4K 221 4
                                    

'Calling Mommy....'



"Mom..."


"Hijo, where are you?"


"Mom, I'm going home."


Narinig kong nag-buntong hininga si Mom sa kabilang linya. "Hijo, pag-dating namin sa bahay may pag-uusapan tayo."


"Okay. Bye."


"Sir, nandito na po tayo." wika ni Manong Danilo.


"Manong, huwag niyo na akong hintayin."


"Okay po Sir Jaeger. Ingat po."




Umalis na si Manong Danilo. Lumapit ako sa gate ng isang bahay at pinindot ang doorbell.




"Jae, why are you here?" Lumabas si Pei at kung titingnan ang ayos nito ajy mukhang kakagaling lang nitong umiyak.


"Pwede mo ba akong papasukin muna bago ka mag-tanong ng kung ano-ano?" Ngumiti ako kay Pei. Mahirap na mamisinterpret ang sinabi ko. Sa kalagayan niya ngayon, kailangan ko siyang ingatan.


"Sorry, Jae. Late na kasi para dumalaw ka. Nag-taka lang ako. Come in."




Pumasok kami ni Pei sa loob. Nang makarating sa sala ay naupo siya sa isang malaking sofa. Halos sinakop niya ang upuan dahil inilatag niya ang dalawa niyang paa. Nag-diretso ako sa kusina upang ipag-balat siya ng mansanas.




"Nakatanggap ka ba ng invitation?"




"Invitation for? Marami akong natatanggap na invitation Jae. Baka nakakalimutan mo... I'm an artist."


"Nakatanggap ka ba ng invitation galing sa Sandoval?" binigay ko sa kanya ang plato na nag-lalaman ng binalatan at inislice na mansanas.


"Yah! I received it." Nag-simula niyang kainin ang mansanas na binigay ko.


"Bakit hindi ka pumunta?"


Tinigil ni Pei ang pag-kain niya ng mansanas. Itinaas niya ang tinidor na ginamit niya na may piraso pa ng mansanas na kinagatan niya "Jae, I'm tired. Kakagaling ko lang sa photo shoot. Hindi ko na kayang pumunta sa party. Isa pa, may shooting pa ako para bukas. Ayaw ko namang mag-mukhang bangkay bukas."


"Alam mo... hindi na ako mag-tataka kung bakit baliw din si Mei. Nahawaan mo eh."


When the Princess in Disguise Meets the Arrogant Prince (EDITING)Where stories live. Discover now