KUTOB

12K 297 11
                                    

"k u t o b"

Umusbong ang nakamamatay na KUTOB...

Nawala na 'yung lumalakad sa bubungan at hindi na namin ulit narinig. Nakatumpok pa rin kami sa gitna ng sala, may mga hawak na asin. Pero malakas ang kutob ko na may nakamasid sa'min.

Lumipas ang magdamag. Ilang sunud-sunod na tilaok ng tandang ang narinig ko. Nakahinga ako nang maluwag dahil alam kong ligtas na kaming lahat.

Ipinaalam namin sa baranggay ang nangyari. Nagsuguran sila kasama si Kapitan para pasukin at imbestigahan ang bahay nina Arthur. Wala na sina Arthur nang oras na 'yun. Pero maayos at malinis na ang bahay. Walang bakas ng patak o mantsa ng dugo na nakita namin kagabi. May bahagya pa ring amoy malansa pero hindi namin napaniwala sina kapitan sa mga kinuwento namin. Baka daw kami pa ang maidemanda nung Arthur kaya itigil na namin 'yung mga pagbibintang dito. Nasabihan pa kami na gumagawa ng kwento na ikatatakot ng mga tao.

"Nakita niyo ba ang ASWANG na sinasabi n'yo?" Matapang na tanong ni Kapitan.

Gusto kong magpaliwanag pero biglang umurong ang dila ko. Nakatingin lang sa akin sina Alex. Kahit si nanay alam kong naniniwala s'ya akin pero hindi siya makapagsalita dahil hindi naman niya nakita 'yung aswang. Si Alex magpapaliwanag sana pero pinigilan ko. Alam kong mahirap nga maniwala lalo na't walang matibay na ebidensya.

Hati ang opinion ng mga tao. May naniniwala at hindi. Isa sa naniniwala ay ang buntis na anak ng amo ni nanay. Ikinuwento nito na nang gabi ding iyon ay nakarinig siya nang malakas na kalabog sa bubong nila. Tapos ay narinig niya na may lumalakad sa bubong kaso biglang nawala kaya inisip niya na baka pusa lang ito.

Mas lalo akong hindi napakali ganun pa't hindi kami pinaniwalaan nina Kapitan. Natatakot ako at nag-aalala para kina Andrei at nanay pati na din sa mga ka-barangay ko.

Sinadya ko si Kapitan para sabihin na ako mismo ay nakita ko talaga ang aswang. Detalyado kong ikinuwento kung paano ko unang nakita ang aswang at sumunod ay ang nasaksihan namin nina Alex na 'yung sanggol sa bahay nina Arthur na naging aswang din. Napailing lang si Kapitan. 'Yung ibang tanod pinagtawanan lang ako. Ang bigat sa kalooban na parang gumagawa lang ako ng istorya para pag-aksayahan ko pa ng panahon. Nakakainsulto 'yung malakas na tawanan nila paglabas ko ng baranggay hall. Walang mas mainam gawin kundi ang mag-ingat at maging alisto.

Magkasama na kami matulog nina nanay at Andrei sa isang kuwarto. Nasa tabi lang din namin ang mga garapon ng asin dahil ayaw namin pakasiguro.

Halos hindi napahinga ang cellphone ko sa katetext ng barkada lalo na si Marcos. Naging mababaw ang tulog ko at tinalasan ko ang pakiramdam. Wala akong narinig na lumalakad sa bubong o kahit kaluskos.

Dumating ang umaga at napalagay na naman ang loob ko na wala samin nangyari sa buong magdamag.

Nagtaka ako sa maagang pagbisita ni Echo sa amin ng umagang iyon. Iba din ang tubo ng concern sa katawan ng taong ito. Kinamusta kami nina nanay. Daig pa daw si Marcos kung mag-alala sa amin sabi ni nanay. Samantalang kagabi lang namin siya nakilala.

"Ibang klaseng magalit ang mga aswang. Hindi basta-basta. Babalik at babalik ito para maghiganti lalo pa't napatay natin ang anak nito." Walang mapagsidlan ang takot na naramdaman ko sa sinabi ni Echo.

"Tensyonado ka Josa." May dinukot si Echo sa bulsa at inabot sakin. Isang stress ball.

Awkward. Bakit kailangan n'ya ko bigyan nito? Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba.

Bagsik ng Galit ng AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon