Nobody Cares

26 6 0
                                    


Hi. I'm Shirayuki Corpuz. Yuki for short. 18 years of existence pero parang walang nakakaalam. Daughter of Vicky Lim and Raj Corpuz. To make the story short, anak ako sa labas. Anak sa pagkakamali.

Hindi ako nakatira sa isa sa kanila. Obvious naman na ayaw nila saken. Takot lang nila na masira ang kanya kanya nilang pamilya.

Pero kahit na ganun, alam ko naman na kahit papaano ay may care sila sa akin. Ayaw lang siguro nilang ipakita. Right?

Nabuo lang naman ako sa isang one night stand ehh. Bago ikasal sina mama at papa, alam nyo na.

Kaya kineep nila ako as a secret. Si lola at lolo lang ang nakakaalam. Sa kanila na rin ako lumaki. Kahit na hindi ako naalagaan ng sarili kong mga magulang, binusog naman ako sa pagmamahal nina lolo at lola.

Nung nakaisip na ako, ipinaliwanag na ni lola sa akin kung sino at ano talaga ako. Noong una nasaktan ako syempre. Pero tinanggap ko pa rin.

Ginawa ko ang best ko para mapansin ako nila mama at papa. Naging Champion ako sa Math Quizbee, nanalo sa mga pageant sa school, naging Valedictorian, magfirst place sa Slogan Competition, naging SSG president, at marami pang iba.

Pero lahat ng mga achievements ko, wala lang sa kanila. Palagi ko silang iniinform sa mga achievements ko pero kahit simpleng congratulation, wala. Pero okay lang. Busy siguro sila sa kanya kanya nilang work. Plus may kanya kanya pa silang pamilya.

Sina lolo at lola na lang ang dumadalo sa school sa tuwing may award ako. Kahit pagtanggap nga lang ng certificate nag aaway pa sila kung sino ang pupunta kasama ko sa stage.

Pero nabago ang lahat nang mamatay si lolo. Sobrang nalungkot si lola kaya napilitan si papa na kunin sya at alagaan. Akala ko that time kukunin rin ako ni papa pero nagkamali ako. Sabi nya pa nga sakin malaki na raw ako. I can take care of myself na raw.

So naiwan akong mag isa na nakatira sa bahay nina lolo at lola. Nakakamiss sila. Anglungkot lungkot ng bahay. Minsan iniisip ko, may pake ba talaga sila sa akin? Alam kong pagsubok lang ito na binigay sa akin ni lord kaya kakayanin ko.

Pero halos di ko kinaya nung nabalitaan kong namatay na si lola. Halos gumuho ang mundo ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pero kumapit ako kay lord. Alam kong malalampasan ko ito.

Ipinagpatuloy ko ang buhay nang wala sina lolo at lola. Gabi gabi umiiyak ako dahil sa pangungulila ko sa kanila. Medyo napapabayaan ko na ang sarili ko.

Ganito pala yung feeling na mawala yung mga minamahal mo no? Angsakit sakit. Sa kabila ng mga nangyari, parang wala lang kina mama at papa. Habang patagal ng patagal, pabawas ng pabawas ang perang binibigay nila sa akin kada buwan. Pero iniintindi ko iyon kasi may sarili din naman silang pamilya.

Pero isang araw, hindi na sila nagbigay. Kaya kinailangan kong magpart time. Mag aaral sa umaga magtatrabaho sa gabi. Kung ano anong trabaho ang pinasok ko kumita lang ng pera pang aral ko. Lahat ng iyon nairaos ko.

At dahil sa pagsusumikap ko,nakagraduate ako ng highschool. Tinanong ko sila mama at papa kung makakapunta ba sila, sabi nila ita try nila kaya umasa ako. Pero nung graduation na, walang dumalo ni isa sa kanila. Kaya ang ending yung adviser ko ang kasama kong tumanggap ng diploma.

Nakakatampo pero alam ko namang busy sila pareho sa mga negosyo nila.

Nung summer, nagtry akong kumuha ng scholarship. At salamat dahil nakapasa ako. Sa Montenegro University ako mag aaral ng college. Isang sikat na university dito sa Antipolo.

Noong unang araw ko sa klase, angsaya saya ko. Pero lahat ng iyon ay nawala dahil sa mga estudyante dito. Lahat ng nag aaral dito ay mayayaman, lahat spoiled. Kaya nung malaman nilang scholar lang ako, they started bullying me.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 12, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Nobody CaresWhere stories live. Discover now