Nakapikit Lang Ako

483 4 0
                                    

Nung una mahal ko lamang ang sarili
ko
Pero dumating yung araw na di ko
ginusto
Di ko ginustong mapukol ang mga
mata ko sayo
Na para bang tumigil ang mundo
Na ang tanging nadidinig ay ang
pintig ng aking puso.

Di ko alam kung bakit ganto
Tatanungin nga kita, bakit nga ba
ganto?
Bakit nga ba ako naging ganto?
Ganto na ba kalupit si kupido?
Di man lang naawa sa puso kong di
kayang tumayo.

Di kayang tumayo sa tuwing
nasasaktan na ako
Nabobola mo ko sa tuwing tumatawa-
tawa ka
Nahuhulog ako sa tuwing tumititig ka
Kampanti na ako sa tuwing okay ka
Sapat na sakin kapag nagsasalita ka.


Kahit naman di ako ang kausap mo
diba?
At lalong-lalo na di naman ako ang

dahilan kung bakit ka
tumatawa
Sa tuwing okay ka

At sa tuwing tumititig ka sa'kin na
Kahit alam kung di mo naman ako
kilala.

Hindi ko maisip na iba yung sinusuyo
mo
Iba yung dahilan ng pagtawa mo
Hindi ako yung mahal mo
Hindi ako yung gusto mo
At di mo lang man ako nasisilayan
Kahit isang segundo.

And daya ng tadhana sa'kin
Kilala kita, di mo ko kilala,halos di
makatingin
Ngunit sa tuwing iba ang nasa
atensiyon mo ay
sapat na sakin.
Siguro kaylangan ko ng tanggapin
Tanggapin na ako lamang ay
hanggang sa tingin

At sa tuwing kasama mo siya
Kay ganda ng iyong tawa
Kapag kausap mo siya
Kumikinang ang iyong mga mata
Okay lang, wag kang mag-alala,
nakapikit lang ako
at di ko kayo nakikita.

TULA PARA KAY CRUSHWhere stories live. Discover now