Confusion

9 2 0
                                    

And now...I'm very confused with this grrr....my heart says that I still have feelings left for Alexander but my mind says to stop liking him because he isn't the one, idk this feeling even though sinaktan na Nya ako ng maraming beses I think I still love him. I know that it hurts seeing him happy because of another girl and ung girl na yun isn't me. It hurts knowing na Hindi na ako ung mahal Nya, it hurts how before he has loads of pics of me in his phone now I don't even think he does even a single one, well now it's Sabrina that is his lockscreen not me, his phone is full of Sabrina's pics. Idk na talaga, this feeling is nakakainis. Tinatry ko na Hindi na Lang sila pansinin pero no matter how hard I try I still can't, d ko rin naman maiwasan si sabrina kasi she is my bestfriend! D ko Tlga Alam Gagawin ko, it hurts too much e and I feel jealous sometimes bcs d ko Tlga maavoid. I want to avoid Seandrix pero I can't, I want to stop liking him but I still can't, I want to forget him but I can't, well I guess d ko magagawa un, but even though he hurt me for a lot of times, he still has a special place in my heart, I will never forget him, and I'll try to be happy by seeing him happy with another girl, he was my first love, and he showed me how it felt to be loved and I will never forget that feeling, it was a great experience and yun Lang sana magbago na talaga ako. So ayun na nga kahit anong pilit kong malimutan ang nakaraan hindi ko parin kayang gawin masyadong mahirap. Si Sean Drix pa rin ang gusto ng puso ko, kahit ilang beses na n'ya talaga ako nasaktan, siya parin ang tanging gusto ng aking puso, hindi ko rin naman masagot ang mga tanong kung bakit s'ya pa rin ang hanap hanap ng puso ko, hindi ko masagot kung anong meron sa kanya. Na kahit itry kong magkaroon ng ibang crush s'ya parin talaga, kahit pinipilit ko na wag siyang mahalin, hindi ko talaga kaya. Kailangan ko na lang siguro tanggapin na si Sean Drix lang talaga, siguro kakayanin ko naman toh, siguro naman makita ko lang na masaya siya sa iba eh sasaya na din ako. Sana kayanin ko lahat ng ito ng hindi nasasaktan kahit imposibleng mangyari yun. Pero nakakainis rin, nu'ng siya yung humihingi ng second chance binigyan ko at tinanggap ko siya, tapos ako naman ngayon ang humihingi ng second chance, hindi niya tinatanggap, hindi niya pinansin, at wala lang siyang pake, ganun ba ako kawalang kwenta? O hindi niya lang kayang bitawan si- Sana naman bumalik siya saakin, sana maging ok na ang lahat, sana makita niya ang aking halaga, sana makita n'ya yung effort ko para lang mapasaya s'ya sa kahit anumang paraan, sana maramdaman n'ya na mahal na mahal ko parin s'ya kahit hindi na ako ang kanyang mahal, hindi ko talaga mabitawan, ipinangako ko na sa sarili ko na hindi ko na dapat siya magustuhan, dapat humanap ako ng iba dahil sasaktan n'ya lang din naman ako sa huli. Napakadali lang nito sabihin pero napakahirap palang gawin. Ngayon ko narealize na ang hirap naman kasi talaga mag move on lalo na kung minahal mo s'ya ng sobra sobra tapos bigla ka n'yang iiwanan dahil nahulog siya sa matalik kong kaibigan na napakahirap tanggapin kasi sino naman ang aakalang kaya niyang gawin yun, akala n'ya madali lang mag move on, akala n'ya madali lang ang umasa, akala n'ya madali lang malimutan ang dati at ang aming pinagsamahan. Ang sarap siguro bumalik sa mga araw na wala pang ganitong problemang nangyayari, sana hindi na ako nahulog at nagmahal, dahil sobrang sakit ng naging bunga nito! Well that's it I'm totally giving up! Ang gulo ko rin diba? HAHAHA well that's life HAHA what to do men?

Diary ng Tanga Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon