GC 72

22.2K 851 1.9K
                                    

[11th on the multimedia]


My jaw dropped as I entered Axiel's three-storey house. It was well-maintained by the caretakers kahit old mansion na ito. Napapaligiran ito ng chandeliers at old paintings. First floor pa lang pero ang taas na ng ceiling, nakakaloka!

"Axiel, ang laki-" I immediately stopped as I saw him taking off his shirt in front of me.

Huhu, mabuti na lang at hindi pa niya naalis ng buo!

"Sorry, nasanay lang. The AC wasn't on. Pawis agad ako," he said casually.

Ako na lang ang nagbukas ng aircon nang makita ang remote.

"What were you saying again? What's... malaki?" He asked innocently.

"Itong bahay niyo, mag-isa mo lang talaga rito? Bukod sa caretakers?"

"Yeah, my parents passed away already. I'm living in the penthouse, so I rarely come here."

Inilibot ko ulit ang mga mata ko sa kinatatayuan namin. Ang awkward tuloy, walang iba tao sa loob bukod sa amin, pinauwi niya raw muna 'yong mag-asawang caretaker.

"Sino 'to?" tanong ko nang mapatitig sa malaking picture frame na nakadikit sa pader. Pareho silang nakaupo ng batang lalaki roon, ngunit hindi niya ito kamukha.

"He's my brother... and these are my parents," turo niya sa mag-asawang nakatayo sa likuran nila.

Grabe! Ang gandang lahi pala talaga ng mga Pheorez!


Axiel inherited his father's eyes and nose, but his smile and other soft features is clearly a reflection of his mother's.

His mom looked elegant in a flowing white maxi dress with delicate lace details. Her brown hair was styled in soft waves, with a pearl necklace, framing her gentle face. Ang ganda at bait niyang tignan! Iyong tipong makakasundo mo agad, basta magmano ka lang.

His dad appeared stern, wearing a well-tailored gray suit. May pagka-singkit ang mata. Despite his strict aura, a slight smile hinted on his lips. Unang tingin pa lang sa kaniya, halata mo agad na makapangyarihan.

Lihim akong natawa nang makitang si Axiel lang ang hindi nakangiti. Siguro'y nasa highschool pa lang siya nito, mas masungit siyang tignan ngayon.

"Babae ba 'tong kapatid mo o lalaki? Nakaponytail kasi. May trust issue ako, e. Ganito 'yong bata malapit sa dorm ko, lalaki pumorma pero babae pala," sunod-sunod na daldal ko.

Hearing that, he laughed.

"Boy. His name is Steventeen Pheorez."

I smiled, "Ang ganda ng pangalan."

"I call him Steven."

Kinuha niya ang remote ng TV at tinanong ako kung anong gusto kong panuorin, ngunit sinabi kong mas gusto ko siyang panuoring magluto kaya sasama na lang ako sa kusina.

"Okay. Just sit here, I'll just change my clothes."

I just nodded my head and relaxed my body in the sofa. Hindi pa rin ako maka move on sa laki ng bahay nila. Bakit ayaw niyang tumira rito? Mas maganda ba sa penthouse? Sayang naman 'tong mansyon.

Kinuha ko ang phone ko sa bag habang naghihintay sa kaniya. Hanggang sa magsalubong ang kilay ko nang bigla akong makatanggap ng mensahe galing kay 11th.

Vince Vince
*poging vince is waving at you*

Vince Vince
Ay sorry natapakan hehe.

Vince Vince
Hi Cutie. Happy Vincetines day!

Zhavie Fuentes
Vincetines day?

Vince Vince
Birthday ko kasi ngayon Feb 14. Valentines day din kaya Vincetines day.

Vince Vince
Hindi mo ba ako babatiin? :(

Zhavie Fuentes
Ay halaaa birthday mo? Happy birthday hehe enjoy your day

Vince Vince
Wala bang i love you o kiss diyan? Baka naman? Hehe.

Group Chat (GC SERIES #1) - currently revisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon