10

125 5 5
                                    


tatiana's point of view.

hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa building ng star ent. basta kinakabahan ako ngayon. iinterviewhin nila ako pagkatapos 'non ay pauuwiin at maghintay ng email kung pasok ba o hindi. huminga ako ng malalim at nag-cross fingers. " sana makapasok ako! " todo pikit pa ako habang sinasabi ko iyan.

ilang minuto pa ay nagpasya nadin akong lumabas ng kotse ko. tinignan ko muna ang sarili sa window ng sasakyan. im wearing a dalia top with a coat, gabardine trousers and sneakers. 

huminga ako ng malalim at nagsimula ng maglakad papunta sa entrance. pag pasok ko sa entrance ay dumiretso ako sa front deck.

" hi ma'am! how may i help you? " tanong ng staff habang nakangiti. nginitian ko din siya at sumagot

" uhm interview po nagapply po ako for modelling. ngayon ang sched. " i answered and bite my lips. kinakabahan na 'ko shet.

" oh! okay po ma'am. ihahatid ko nalang po kayo sa pila. " magalang niyang sabi at dinala na ako doon.

nakarating kami sa pinto. binuksan iyon ng staff at tumambad sa akin ang mga modelong nais din makapasok sa star ent. mas lalo akong kinabahan dahil mukha silang handa and they're also very pretty.

" dito po ma'am. upo po kayo diyan at antayin tawagin kayo. " sabi nito.

" maraming salamat! " sabi ko sa kanya.

" sana makapasok kayo, ma'am. kaya niyo yan! " pag-ccheer niya sa akin.

" sana nga pero thank you. " i said and gave her a smile. umalis din siya at lumabas na ng silid. dahil sa cheer niya'y medyo nabawasan ang kaba ko.

isa- isang tinawag ang mga babae sa silid hanggang sa matawag ako. " ms. vena? " tanong ng lalaking kakalabas lamang ng pinto. i quickly stood up and went to him.

" go inside. good luck. " sabi nito. nginitian ko siya at pumasok na.

nagtagal ang interview ng 15 minutes or higher. im quite happy that i answered all of their questions and a bit sad cause i was stuttering. madali lang din naman ang mga questions. common questions like bakit gusto mo mag model? why did you choose this company? etc. after that natapos na din at sinabi sa akin na e-email nalang nila ako kung nakapasok ba ko or hindi.

pababa na ako ng ground floor gamit ang elevator. 5th floor kasi ang pinanggalingan ko. isasara ko na sana ang pinto ng may sumigaw. " wait! " medyo nagulat ako at mabilis na pinindot ang isang button para hindi sumara.

agad na pumasok ang gwapong lalaki nasa left side siya pumwesto. mas matangkad ito sa akin at sobrang puti. hindi ko alam kung kamag-anak niya ba si snow white o ano. he's wearing a suit that made him look like a boss or something. he smells good too!

napahawak ako sa aking ilong at ngumiti. he's wearing a jo malone perfume! i know that smell because i gave my guy friend a perfume too. it's also from jo malone, same with this guy's perfume.

napatigil ako sa pag ngiti ng bigla siyang umubo. napatingin ako sa kanya at tumingin din siya pabalik. tinaasan niya ako ng kilay. agad akong umiwas ng tingin at pinagtuonan nalang ng pansin ang mga daliri ko.

tumunog ang elevator. tumingin ako sa itaas kung saan nakalagay kung anong floor na kami. nasa 3rd floor na pala kami hindi ko namalayan. bumukas ang pinto ng elevator at nakitang may mga sasakay din.

umatras ako at gumilid para makasakay sila. ganon din ang ginawa ng lalaki na kasama ko. gumilid siya pero papunta sa akin! ngayon nasa harapan ko ang likod niya. mas lalo kong naamoy ang pabango nito. i was right! it is really a jo malone perfume.

nakarating na kaming 2nd floor pero wala pading bumababa. dumadagdag meron at nasisiksik na ako sa likod. magkadikit na kami nitong lalaki sa harap ko. naiinip na 'ko! sana pala sa nag-hagdan nalang ako.

sa wakas at nasa ground floor na kami. isa isang naglabasan ang mga tao sa elevator. noong konti nalang ang lumalabas. i walk to the left side because he was still in front of me. humakbang na ako ng biglang ganon din ang ginawa niya kaya nauntog ako sa likod nito. nakakainis! nananadya ba 'to?!

" badtrip na  likod 'yan. parang pader amp ang sakit. " bulong ko habang hawak ang aking noo.

" excuse me? " sabi nito. shit narinig ata ako.

" edi dumaan ka. bwisit. " sabi ko at lumabas na. nagmadali akong naglakad hawak padin ang aking noo. nakasalubong ko naman yung staff na naghatid sa akin. nginitian ko siya.

" tapos na ma'am? anong sabi? " tanong nito.

" yes. sabi nila ay mag-eemail nalang sila kung pasok ba ako or hindi. " sagot ko.

" ay ganon po ba? sige po sana makapasok kayo! " nakangiti niyang sabi. i gave her a smile and thanked her for cheering me.





















_________________________________

愛 tatianaOnde histórias criam vida. Descubra agora