1

961 11 5
                                    

Jisoo's POV

Finally! 4th year college na ko so after nito trabaho na sa wakas.

BTW, ako nga pala si Kim Jisoo,21 yrs old. Nag-aaral ako sa pinaka eleganteng school dito sa Pilipinas, ang KU or Kim University.

Pero hindi kami ang may ari ng school kundi sila Jongin or kilala bilang si Kai.

Sikat siya sa buong school hindi lang dahil anak siya ng may ari ng school, dahil na din sa physical appearance nito. Gwapo, maganda ang hubog ng katawan and magaling na dancer.

Pero don't get me wrong, wala akong gusto sa kanya. Sa katunayan inis ako don kasi parang nasa loob ang kulo and mayabang pa.

And btw kung ano ang status namin sa buhay. Nasa elite level din ang pamilya namin dahil maraming business ang pamilya namin hindi lang dito sa Pilipinas maging sa iba't-ibang bansa na imamanage namin ng kapatid ko na si Krystal.

Pagtapos kong maligo and kumain dumerecho nako sa school. Nadatnan ko yung best friend ko na halatang may hinihintay.

"Sino hinihintay mo?" Gulat ko sa kanya.

"Ay kai!" Gulat na sigaw niya.

"Hanggang ngayon ba naman may gusto ka padin sa kumag nayon?" Irita kong tanong.

"Tumahimik ka nga mamaya may makarinig pa sayo diyan"

Jennie's POV

Hiiii ako nga pala si Jennie Kim. 4th year college na din.

Nakapasok ako dito sa KU dahil sa scholarship. Hindi naman kasi kami mayaman pero hindi rin kami mahirap. Nasa average lang ang status ng pamilya namin.

Kung nagtataka kayo bakit ko naging best friend si Jisoo kahit na magkaiba kami ng status sa buhay, dahil iba siya sa mga mayayaman na nagaaral dito. Hindi siya tumitingin sa estado ng buhay ng isang tao para kaibigan. Sobrang bait nya pero maloko nga lang minsan hahahaha.

Flashback.

First year college nako and medyo kinakabahan ako kasi puro mayayaman mga nagaaral dito. Ako scholar lang ang peg.

Naglakad nako papasok and may nakabangga ako kasi di ako tumitingin sa dinadaanan ko.

"Ouch!" Sigaw nung babae na halatang maarte.

"Ay sorry miss diko sinasadya" sincere na sabi ko.

"How dare you para banggain ako?! Hindi mo ba ako kilala?! Ha?" Sigaw nya sakin.

"Sorry hindi e, bago lang kasi ako dito" sabi ko na nahihiya kasi ang dami ng studyante na nakatingin samin.

"Palibhasa mukha kang squater and dika bagay di-" natigil yung sasabihin nya nung may sumingit na isa pang babae.

"Hey Mina tama na yan. Nag sorry na nga yung tao and don't to talk that kind of words to other anymore hindi maganda pakinggan." Sabi nung babae.

"Urggh Jisoo naman ako na nga nabangga bat parang siya kinakampihan mo?" Sabi nung Mina.

"Kasi nag sorry na nga siya diba? Angmd dimo ba narinig bago lang siya dito" Jisoo

"Fine! But......" Lumapit yung Mina kay Jisoo and hinakawan nya ang mukha nito sabay sabing, " you owe me a date babe" sabi nito na may pagka seductive na tono.

Inirapan lang siya ni Jisoo and naramdaman ko na lang sa sarili ko na may humihila na sakin sa lugar na yon and nandito kami sa puno malapit sa garden.

"Okay ka lang?" Tanong nya.

Tumango lang ako bilang sagot dahil di parin ako maka get over sa nangyari kanina.

"Pag naka encounter ka ulit ng mga kagaya ni Mina iwasan mo na lang para wala ng gulo." Payo nya.

"Btw, ako nga pala si Kim Jisoo :)" sabi nya habang nakalahad ang kamay nya.

"Jennie Kim. And thank you nga pala kanina ah medyo nagulat lang ako sa nangyari kaya di ako nakapag react agad". Sabi ko habang tinanggap ang kamay nya.

"Wala yon. So new student ka right?" Jisoo

"Yes. Scholar ako kaya nakapasok ako dito".

" Wow that was cool. So pag naging kaibigan pala kita pwede mokong tulungan sa mga assignments and projects ko hahahahalatang biro nya.

Tumawa na lang din ako kasi maloko din pala ang isang ito.

"Just kidding. So friends?"

"Friends".

End of Flashback

So ayun hanggang ngayon sobrang tagal nanaming magkaibigan.

" Huy! Natulala ka dyan? Iniisip mo na naman si Kai no?" Sabi nya.

"H-hindi ah"

"Hindi daw. Tara na nga baka malate pa tayo sa first subject natin."

Kinaladkad nya ko papasok. Diba ang sweet? Sarap kurutin ng nail cutter e.

Naghiwalay na kami ng way dahil magkaiba kami ng room.

"Sunduin kita sa room mo mamaya ah sabay tayo mag lunch" Jisoo

"Yes mom hahaha"

"Mom ka dyan, sige na bye" sabi nya and pumasok nako sa room ko.

My First and Last (JenSoo)Where stories live. Discover now