Prologue

4.4K 61 1
                                    


"ayoko na"

Napatigil ako sa sinabi nya

"may gusto akong iba"

Bigla akong nanlamig sa sinabi nya para akong tuod na hindi makagalaw.

"im sorry itigil na natin to"

Ngumiti ako saka ako tumingin sa kanya ni hindi ko makayang magsalita nang gawin ko iyon dahil feeling ko maguunahan na papatak ang mga luha ko.

Gusto kong tanungin kung may iba na ba? Pero hindi ko magawa dahil alam kong sa una palang hindi na totoo tong relasyong ito.

Unti unti kong inangat ang tingin ko saka tumawa na parang baliw para hindi mapansing naiiyak na talaga ako.

Tumalikod na ako sa kaniya dahil nagunahan na talaga ang mga luha ko hindi ko na kaya pang harapin siya.

Saka ako nagsalita at pinipigilang gumaralgal ang boses ko.

"oo nga itigil nanatin to"...dahil sinabi mo noon ang unang mahuhulog sa isat isa ay talo...

Unti unti akong naglakad palayo doon, palayo kung nasaan ang taong pinakamamahal ko na hindi ko manlang masabi na mahal ko siya.

At ngayon alam kong ako ang TALO

The falling Game [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon