one

1.5K 40 12
                                    

"Tama na Luc, umuwi na tayo." Aya ng kaibigan ni Lucia Knight sa kanya.

Tulad ng dati, lasing na naman siya. Nasa isa na naman siyang strip club ng tao tulad ng nakagawian.

Hindi sumagot si Lucia, suminyas pa siya sa taong bartender ng naturang clup.

Pagkatapos ng digmaan, nagkanya-kaya ang lahat. May mga tao na nasa America, sa loob ng barikada, habang ang iba na tanggap ang mga kakaibang nilalang ay sa Europe at China. Pero dahil teretoryal ang China, Chinese lang ang pinapapasok nila maliban kung may negosyong pag-uusapan.

Ang mga ibang nilalang naman ay nanirahan sa pinili nilang lugar sa natitirang mga kontinente. May kanya-kanyang clan or pack ang bawat isa. Pero ang kastilyo ng mga Knight ay nanatili sa isang isla sa asya. Nang dahil sa digmaan, nawasak din ang ilang mga lupa, 'yon ang nagdulot upang maging isla ang kinakatayuan ng kastilyo.

Pero hindi naging problema iyon sa mga Knight dahil sa kakayahan nila, nakagawa agad sila ng malaking barko at mabilis pa ito. Meron ding sakayang pahimpapawid na ginawa ng Knight. Kailangan din nila iyon lalo na kung may pagpupulong.

Naging Alpha na si Lucia habang ang kanyang ina ang pumalit na Elder sa kanyang lolo. Hindi pa naman matanda ang lolo niya, pero gusto nito masulit ang oras niya kasama ang asawa. Ayaw niya magsisi na naman ng may muntikang mangyari sa kanyang asawa.

"Lasing ka na Luc, tapos na din ang meeting mo dito, umuwi na tayo." Sabi na naman ulit ng kanyang kaibigan.

"Hayaan mo na muna ako Bronze, minsan lang naman ako napapadpad dito. Doon naman sa iba, nakakasawa na din." Sabi pa nito.

Walang nagawa si Bronze kundi hayaan ang kaibigan.

Naintindihan niya ito, mula ng namatay ang hindi pa kilalang mate ng kaibigan, naging ganito na ito. Palagay niya, isa sa mga namatay noong labanan ang mate ni Lucia, hindi lang masabi kung kalaban ba o kakampi.

Siguro malapit lang ito, kaya naramdaman ni Lucia ang pagkapatay niya. Na siyang kina-depress nito, natutong uminom at makipagsiping sa kahit kaninong babaeng kahit anong nilalang.

Mula ng nangyaring digmaan, nagkaroon na din ng tinatawag na human trafficking, nagkaroon ng slavery. Pero walang magawa ang reyna ng supernatural dahil baka lumabas na nangingialam siya sa mga tao at ikapahamak ng nasasakupan. Alam niyang naghihintay lang ang amerika sa kanilang pagkakamali.

Ayaw ng ibang nilalang ang ginagawa ng tao, lalo na ang pagbenta ng iba sa bata at kababaehan. Pero may nilalang na nasisiyahan, at doon na umaaksyon ang reyna. May iba na tumutulong sa pamamagitan ng pagbili sa mga tao at pinapipili ng buhay na gusto.

Meron na ding eskwelahan ng tao sa Europe na pwedeng pumasok ang ibang nilalang. Pero meron din sa Russia para sa lang sa mga supernatural.

"Handa na ba kayo?!" Sigaw na tanong ng emcee sa mic na hawak nito. Doon lang nakuha ang pansin ni Lucia kaya napaharap siya dito.

Sigawan ng mga tao ang sumagot dito. Panay nga tao ang nandito at wala siyang nakikitang kauri niya. Sabagay, pinagbabawalan sila ng Reyna, na pinsa niya, na pumunta sa ganitong lugar. Pero matigas din kasi ang kanyang ulo.

"Ladies and gentlemen, may I present to you. Our beauty of the night. The one and only, Cathy the Angel!" Sigaw nito na nagpasigaw na naman sa mga nandoon.

Mula sa madilim ng sulok kung nasaan ang stage, isang spotlight ang nakita. May isang babaeng nakaupo at nakatungko. May suot itong oversize na long sleeve.

Hindi alam ni Lucia, pero hinihila ng babae ang kanyang mga mata. Oo, nakikipagtalik siya pero hindi sa mga stripper. Mga babaeng kauri din siya na lumalapit sa kanya sa club ang pinipili niya. Pero iba ito, tao.

One K'nightWhere stories live. Discover now