Anonymous Messenger

10.1K 283 51
                                    

This story was actually written by my bestfriend, Maurice Nicole. And nung binasa ko 'to the first time, I thought to myself "Pwede 'to sa Wattpad," but unfortunately, she doesn't have a Wattpad Account, so I asked her if I could publish it, and she said 'yes.' So yeah. This is it. :)

**

Anonymous Messenger written by Maurice Nicole I. Fule and published (on Wattpad) by iammissred.

Thursday-Library-Dismissal

“Jess! Hindi pa ba tayo aalis? Kanina pa tayo dito ah. Naiinip na ako.” Sabi ni Iyanna.

“Wag ka ngang maingay. Mapapagalitan tayo ni Ms. Lopez eh.” Pabulong kong sinabi sa kanya.

Nakaupo kami dito sa last row ng tables at may mga librong nakakalat sa ibabaw ng lamesa namin. Pero, secret lang natin ah, hindi talaga ako nag-aaral. Palusot ko lang yan kay Iya para samahan niya ako dito sa library.

“Jessica Mercado Cortez, alam ko na nasa B-section ka at ang mga estudyante na katulad mo ay madalas tumambay dito, sa library.” Sabi niya, while flipping some pages of a certain book. “Pero, hindi naman ata tamang gawin mo ‘tong stalking place para diyan sa walang kwenta mong crush. Don’t ask why I know. Halatang-halata naman sa’yo eh. Most of these books wala sa curriculum natin.”

“Hindi walang kwenta ang crush ko kay Marco.” Sagot ko sa kanya. I finally closed the book that I was pretending to read. Nahuli na niya ako eh.

“Hello, girl. Ilang months ka na bang may gusto diyan sa lalaking yan?” Tanong niya.

“Well, since August 13, five months na rin.” Sagot ko sa kanya.

“Oh. Yun naman pala eh. At nasaang stage na kayo ngayon?” Tanong ulit niya.

“Level zero?” I hesitantly answered.

“See? Look, Jessica, if you’re not going to do something about that crush, magre-resign na lang ako bilang best friend mo.”

“Iya naman. Alam mo namang love kita pero I don’t have enough confidence to tell him.”

“Trust me, girl, kung hindi ka pa aakto. Mauunahan ka na ng iba.”

“Hmmm. May gusto na nga daw yun eh. Si ano ata, Arianna.”

“Wag mo na lang siyang pansinin, ‘teh.”

I nodded at her and glanced at the door.

“Asan na ba yang Prince Charming mo?”

I shrugged at her. Parang na-down ako dun sa Arianna thing.

“Sad na siya oh.” Sabi ni Iya then she smiled at me. “Alam ko na, i-kwento mo na lang ulit yung mga pangyayari nung August 13.”

I smiled at her then started narrating the so-called incident nung August 13.

-Flashback-

It was Saturday. May practice kami nung araw na yun para sa presentation namin.

One whole day, yung practice pero mga four hours or so lang talaga yung pinaka-practice. Most of time kasi, kumain na lang kami tapos minsan gumagala na lang kami dun sa subidivision nung kaklse namin.

Well, after nung practice namin, syempre, nagkanya-kanya na kami ng uwi. Nagsabay-sabay kami sa isang tricycle nung iba kong mga kaklase. Ang hirap pa naman nung araw na yun. Nakikisabay kasi yung ulan eh.

Anyway, sa may SM ako nagpunta. May bibilhin daw kasi yung parents ko. So ayun, kahit na sobrang sakit ng mga paa ko at sobrang pagod na ako, todo-gala pa rin dun sa mall.

Anonymous MessengerWhere stories live. Discover now