Chapter 18. Friday next week

18 2 0
                                    

Courtney's POV

Pag-akyat ko binuksan ko ang pinto ng kwarto at nakita ko si Papa na naka-upo sa may gilid ng kama ko…

“Papa kamusta naman po ang shop?” tanong ko sa kanya…

“Okay naman, maraming gawa ngayon, good thing natapos ko lahat kanina kaya maaga ako nakauwi…”

“Maigi naman po kung ganon, Papa next week po yung battle of the bands na sasalihan namin manuod kayo ha?”

“Sige, syempre naman papanuorin ko ang prinsesa ko, anong araw ba yun?”

“Saturday night po yun…”

“Ah ga—sabado? Sa isang linggo?”

“Opo Papa, bakit?”

“Ah… eh kasi iha…”

“Papa pwede po bang sabihin nyo sa akin kung anong problema? Kanina pa po kasi ako nakakahalata eh…”

“Iha kasi ano, ahmm—“

“Papa?”

“Courtney anak, si Papa ay aalis na, Friday next week…”

“Ha? Bakit ganon? diba dapat may three weeks pa tayo? Bakit biglang Friday next week na ang alis mo?” nakayuko ang si Papa, siguro mahirap pa rin talaga sa kanya ang iwan ako, ngayon lang kasi kami magkakahiwalay in my 17 years of existence…

“Pasensya ka na anak ha, biglaan kasi eh, hayaan mo babalik naman ako agad oras na maka-ipon ako, lagi din kita tatawagan, at pag may pagkakataon uuwi ako para umatend ng birthday, Christmas, at New Year…” hindi ko na mapigilan ang sarili ko, tumulo na ang luha mula sa aking mga mata at ganon din si Papa…

“Papa, naiintindihan ko naman po kayo eh… ok lang po sa akin, kung iyon po ang dapat bakit hindi, wag na po kayong umiyak baka hindi ko pa kayo payagan…” nakakabigla man pero kailangan kong tanggapin…

“Dalaga na nga talaga ang anak ko… marunong ka nang umintindi ng sitwasyon…”

“Eh… Papa ngayon mo lang ba nalaman?” niyakap ako ni Papa, haay mamimis ko ang yakap ni Papa pag umalis na sya…”

“Anak, padalan mo ako ng mga video ng gig at battle na sasalihan mo ah, pati lagi mo akong i-update ng mga nangyayari sayo, masama man o mabuti…”

“Papa naman may isang linggo pa tayo kaya saka na po kayo magbilin, mag-enjoy muna tayo sa company ng isa’t isa… ano po kaya kung lumabas tayo sa Sabado?” aya ko kay Papa…

“Magandang ideya yan ah… sige kumain tayo sa labas saka tayo mamasyal…”

“Sige po! Matagal na nating di ginawa yun eh…” pagkatapos naming magusap ni Papa, lumabas na kami ng kwarto nanuod kami ng t.v habang nagkukulitan, bigla naman dumating si Kurt…

“Good evening po tito…” bati nya kay Papa, o okay Papa lang tito daw eh, asar di man lang ako binati…

“Good evening din iho…” sagot naman ni Papa…

Umakyat na si Kurt, pumunta naman ako sa kusina upang tulungan si tita magprepare ng dinner 7:00 na kasi…

“Tita tulungan ko na po kayo…”

“Sige iha salamat, andyan na ba si Kurt?”

“Ah opo kadarating lang po nya…”

“Tamang tama, maghahain na tayo…” naglagay na kami ni tita ng plato, baso, kanin at ulam sa mesa at ng maayos ito ay tinawag naming sila para kumain…

“Jim, kamusta ang pag-alis mo?”—Tito Melvin

“Bukas pa lang ako pupunta sa agency para makuha ang kontrata ko… pero tuloy na sa isang Linggo ang alis ko…”

"you got me..." (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon