KABANATA 2

12 2 0
                                    

Xena's POV

Pinagmasdan ko ang buong gangster city dito sa rooftop ng isang mataas na gusali.

Gabi na at mag-isa lang ako na nakaupo sa may bench.

Malaki na rin ang pinagbago ng lugar na ito simula nung bata pa ako. Oo, nandito na ako nung 5 years old pa ako.

Sa totoo lang, may mga magulang pa ako pero matagal ko na silang hindi nakikita.

Napunta ako dito sa gangsters city dahil sa tito ko na si tito Albert.

Hindi siya ang nagdala sa akin dito dahil ako mismo ang nagpumilit na sumama sa kanya.

Isang mafia leader si tito Albert at ako ang susunod bilang isang lider ng grupo niya.

Alam niyo ba kung bakit ako nandito? Dahil gusto kong lumayo nila mama at papa ko para maprotektahan ko sila.

Alam kong manganganib ang buhay nila dahil isa akong gangster.

Sa una, hindi pumayag sila papa na sumama ako kay tito pero wala silang magagawa.

Gusto ko mang manatili sa piling nila mama pero hindi pwede.

Kahit bata pa ako nun, mahilig na akong makipag-away kaya nakasanayan ko na at heto ako ngayon.

Ngayon na dalawamput-isa na ako at isa na sa mga pinakamalakas na gangster.

Hindi ko na nakausap sila mama at papa simula nung dumating ako dito.

Ni hindi ko na nga alam ang ginagawa nila dun. Miss na miss ko na sila.

Pero hindi ako maaaring magpakita baka mapahamak lang sila.

Buong buhay ko tinatanong ang sarili ko kung kumusta na kaya sila doon sa probinsya.

Patuloy parin ako sa kakaisip ng biglang may tumabi sa akin.

"Hinahanap kita pero andito ka lang pala" Sabi ng katabi ko pero hindi ko siya nilingon.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Wala lang. Bakit ka nga pala umalis ng walang paalam?" Aniya

"Gagawin ko kung ano ang gusto ko kaya wala ka na dun" Sabi ko habang nakatutok pa rin sa buong lungsod.

"Eto naman eh. Hindi mabiro" Sabi niya habang tinaas ang dalawa niyang kamay at naka ngiti.

Binaba niya ulit ang kamay niya at nag salita ulit.

"Xena, magpahinga ka na. Alam kong pagod ka at kailangan pang gamutin ang sugat mo" Sabi niya habang kinuha ang braso ko.

"Ayos lang ako Ashton. Malayo sa bituka ang sugat ko kaya hindi naman masyadong mahapdi" Sagot ko sa kanya tsaka pinikit ang mata ko.

Nasugatan ako kanina habang nag aaway kami sa Red Rose pero wala to. Kunti lang naman ang sugat ko.

Napahinga nalang ng malalim si Ashton dahil sa inaasta ko.

"Alam mo bang nag-alala ako sayo? Xena, intindihin mo naman ang mga taong na sa paligid mo. Maraming tao ang nagmamahal sayo kaya hindi ka namin hahayaang may masamang mangyari sayo. Xena, buksan mo ulit ang puso mo para sa sarili mong kapakanan" Sabi ni Ashton at nakatingin na ito sa akin.

Umiiling ako. Hinding-hindi ko makakalimutan ang nangyari sa akin at sa tito ko. Hindi ko muna bubuksan ang puso ko para lang maiganti ko si tito Albert.

Tama kayo, patay na ang tito ko dahil pinatay siya ng ibang mafia group ng wala man siyang kamalay-malay.

Si tito Albert ang nagsilbi ko bilang ama simula nung sumama ako sa kanya.

SECRET and LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon