Panimula

218 74 6
                                    

Simula

Malalim ang gitla sa noo ko habang nakatitig sa mga butil ng ulan na nagsibagsakan sa lupa. Ala una na ng madaling araw pero hindi pa rin ako pu-pwedeng makauwi. I need to finish my shift first before I could rest and have my three hour sleep.

Nag buntonghininga nalang ako at pinilit ang sarili na ilihis ang tingin. Pinukol ko nalang ang mga mata sa sariling mga kamay na namamahinga sa counter ng convenience store na pinag ta-trabahuan ko.

Dahil sa ginagawang pagtitig sa kawalan ay hindi ko na halos namalayan ang panibagong customer na pumasok sa loob. I hurriedly flashed my practice smile when a feminine hand put her order on the counter.

Tumikhim ako ng isang beses at saka inasikaso ang lahat ng pinamili ng babae.

Matapos gawin ang dapat gawin ay umalis na ito habang bitbit ang supot na pinaglagyan ng binili nya. I heaved a sigh and sat on my chair to calm my senses.

"Ako na muna rito, August."

Mabilis akong napatayo sa pagkakaupo nang marinig ang boses ng Manager namin galing sa likuran ko. I look at her and glanced at the huge wall clock behind her.

"Hindi pa po tapos ang shift ko, Ma'am."

Umiling ito sa sinabi ko at ngumiti lang. It's unusual to see her smiling. I always picture her as the strict and overreacting kind of a manager. Hindi naman ako nagkaka mali doon dahil sobrang istrikto nito pagdating sa trabaho.

Muntikan na rin akong masibak sa unang buwan ko rito dahil sakanya. That's why I keep myself on check to avoid unnecessary complications that will disturb my unbalanced way of living.

I need to pay my bills, so I needed to work harder. At kapag mawawala saakin ang trabahong 'to, kakailangan ko na namang maghanap ng panibago para mabalanse ang mga bayarin ko kada buwan.

"Basta ako na rito, may gustong kumausap sayo sa labas. Just go there and talk to them." she said in her satisfied voice. Bakas sa matanda nyang mukha ang saya na para bang may nangyaring maganda sakanya.

I nodded my head even if there's a sudden tightness in my chest. Nag paalam na ako sakanya nang mapayapa kahit na walang mapagsidlan ang kaba sa sarili kong dibdib.

Pa simple ko ring tinignan kung anong petsa ngayong araw. Mabilis akong naguluhan nang mapagtanto na hindi pa naman ngayon ang araw na sisingilin nila ako.

At hindi rin sila ang tipong aabangan ako sa mismong trabaho. They'll either wait for me at home, or drag me out while I'm walking down the streets.

Tinignan ko nalang ang labas. I squinted my eyes when I saw a man standing outside while hands hidden in his pockets. Sya lang mag-isa sa labas habang matayog na nakalikod sa gawi ko.

Lumingon ito kaya naman nag-iwas ako ng tingin. Mabilis akong pumasok sa locker room at saka kinuha ang sariling gamit.

Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga. Sinukbit ko nalang ang itim na bag sa balikat at tumulak sa labas. Tuwid lang ang tingin ko. I needed to go home quick.

The man's presence is a bad omen in my perspective. Kaya naman balak ko kaagad na makaalis kahit na halos imposible ito gayong malakas ang buhos ng ulan sa labas.

Hinigpitan ko nalang ang hawak sa string ng bag na suot nang nasa harapan na ako ng dalawang double door ng convenience.

Binuksan ko ito at tumigil ulit sa labas. I stretched my hand outside to check if the rain is pouring hard. Kumibot ang labi ko nang tumama ang malaking butil ng ulan sa maputla kong palad.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Jan 12, 2022 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

The Fallen (dela Fuergo series #3)Onde histórias criam vida. Descubra agora