Chapter 8: The Gentleman's Side

69 8 4
                                    

                    DESTINY HERNANDEZ

"Okay na po ako Sir, puwede na po tayong umalis," nakayuko kong sabi.

Nakakahiya. Kanina lang nangyari iyon kaya naman naiilang pa din ako, hindi ko alam paano ko haharapin si Sir Chance.

"Oh, sino siya?" ngayon ay nagkaroon na ako ng dahilan para tumunghay, may kasamang lalaki si Sir Chance, siya siguro ang taong nasa labas kanina.

"She's my secretary," iwas tingin ni Sir Chance.

"Okay, dito siya nakatira?" usyoso ng kasama niya at tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Nangingilatis.

Nilingon siya ni Sir Chance. "Stop being a snoop okay? Bakit ka ba binigyan ng susi ng unit ni Kuya?"

"Wala, i check daw kita kung nandito ka, hindi ka daw nasagot sa tawag eh."

"And you followed him just like that? Jesus Christ Andreau, you don't have to do that, I'm fine okay?"

Ngayon ko napatunayan na mahal na mahal si Sir Chance ng Kuya niya. Kahit na ibinilin niya ito sa akin ay nagawa pa din niyang ipagbilin sa iba.

"Whatever! Ngayon na alam ko na na okay ka aalis na ako," pumamulsa siya at muli akong tinignan. "..by the way, I'm Andreau Keast Miss, and you are?"

"Ah Destiny, Destiny Hernandez," pormal ko namang sagot.

Napaalis ang kamay niya mula sa pagkakapamulsa. "Ha? Destiny?" At nilingon muli si Chance.

"Bakit ba kailangan niyong makipagkilala isa isa sa kanya?" Iritadong tanong ni Sir Chance.

"Seryoso ba yung pangalan niya?" Imbes na sagutin ay 'yan ang tinanong ng lalaking nagpakilalang si Andreau.

"Fvcking yes, so now get your ass off here. Papasok na rin kami kaya lumayas ka na."

"Okay," tinignan muli ako ng lalaki at yumuko bilang pagpaalam.

Seriously? Ano ba kaseng problema sa pangalan ko?

"Okay na ba mga dadalhin mo?" baling sa akin ni Sir Chance kaya napalingon ako sa kanya.

"Yes, okay na," muli ay nailang ako.

Napabuntong hininga siya. "I'm sorry sa nangyari kanina," may kinuha siya sa bulsa at ipinakita sa akin ang isang karumal dumal na krimen.

Ang cellphone ko, basag basag ang screen at nasira. Kinuha ko iyon, pinagmasdan at muntikang maiyak. Wala na nga akong pambili ay nasira pa, ang malas talaga ng buhay ko, naman oh!

"Let's go, umalis na tayo, it's already 10am," wala na akong nagawa at inilagay nalang ang sirang cellphone sa bag ko.

Ugh, ang sarap magwala. Ano na ngayon ang gagamitin ko?

Nang makarating kami sa opisina ay masigla akong binati nila Shaun at Yhno, pumeke ako ng ngiti, mamaya ay magtanong na naman sila kung okay na ba ako, makulit pa naman sila at ayokong kulitin na naman nila ako.

"Bakit sabay kayo?" binasag ni Yhno ang katahimikan nang mapansin ang sabay naming pagpasok ni Sir Chance.

Hindi ako nakasagot, si Sir Chance ay tinignan lang ng masama si Yhno.

"Oo nga, bakit sabay kayo?" dagdag pa ni Shaun.

"Sa unit ako natulog," sagot naman ni Sir Chance.

Mabilis na napapunta si Shaun kay Sir Chance. "Ha? Sa unit? Tapos kayong dalawa lang?"

Mas dumoble ang killer eye ni Sir Chance na itinapon kay Shaun. "Iba ang iniisip mo, bwisit ka."

"Eh bakit doon ka natulog? 'Di ba umuwi ka sa inyo?"

Chances of DestinyWhere stories live. Discover now