49

3.6K 89 31
                                    



"Anong sasabihin ni Alana sa'kin?" Biglang sulpot ni Ricci sa doorway at pareho kaming napalingon ni Brent halatang gulat na gulat kami.

Shit. Tangina. Kanina pa ba siya? Narinig ba niya?

"Uh..." Brent stammered at napatingin siya sa akin. Giving me the look na it's about time. My heart beats so fast and tinignan ko rin siya na this is not the right time. I'm not doing this. Wala sa plano ko ang umamin sa kanya. Wala talaga. Ang nasa isip ko lang ay magenjoy.

"Magtitigan na lang ba kayo?" Ricci bluntly said that made us turned our heads back at him. Seryosong nakatingin siya sa amin like he's waiting for us to answer him.

"Bro—"

"Ano 'yong narinig ko na sasabihin ni Alana sa'kin?" Ricci cuts him off "...Brent, ano 'yong bigat na pakiramdam?"

Wala pa rin nagsalita sa'min ni Brent and Ricci was just looking at us intently, hinihintay na may magsalita sa'min.

"Alana, may tinatago ka ba sa'kin?" biglang tanong niya na ngayon sa'kin na siyang nakatutok. Hindi ko alam kung 'yong tanong ba niya ang dahilan sa lalong pagkabog ng dibdib at paglamig ng tiyan ko o kaya 'yong mga titig niya na parang na fe-feel kong may malaki akong kasalanan sa kanya.

"Alana, ano?" he asked me again but no words came from my mouth. Takot na takot ako.

"Ba't ayaw niyo magsalita? Baka kayong dalawa may tinatago? Nung susundan kita Alana, pinigilan ako nila Kib. At hinayaan nilang si Brent ang sumunod sa'yo. Ano? Kayo ba?" Sunod-sunod na salita ni Ricci at dumilat ang mga mata ko sa mga pinagsasabi niya.

What the heck? Iba yung iniisip niya!

"Brent, bro, akala ko ba magkaibigan tayo? Pa'no na 'yung sinabi ko sa'yo?" Ricci looked at Brent na parang nasasaktan siya at kumunot ang noo ko. That's what I do not know.

"'Cci, gago, hindi ko magagawa 'yan. Alam mo 'yan. Kaibigan tayo." Sabi naman ni Brent sa kanya.

"So, ano nga? Ano 'yung sasabihin ni Alana sa'kin? May kinalaman ba 'to sa pag-iyak mo Alana?" tanong niya na halatang hindi na siya makakapagtimpi. He wants answers now.

"'Lan, sabihin mo na." Brent told me in a soft voice at nagsimula namang uminit ang sulok ng mga mata ko. No! I'm not risking our friendship!

"Mabuti nang si Alana na magsasabi sa'yo 'Cci. Iwan ko na ka'yo." Brent told Ricci at nag-akmang aalis na.

"Ano ba! Wala nga akong sasabihin!" Sabi ko sa kanila and Brent shook his head.

"May sasabihin ka Alana.." he says again looking at me at bumaling ang tingin niya kay Ricci. "'Cci, 'wag mong paalisin si Alana hangga't hindi niya nasasabi yung sasabihin niya sa'yo." Tangina.

Umalis na si Brent at nang makalabas na siya, tumayo ako para lumabas na rin because I'm not doing what Brent told me to. Ayoko.

"May sasabihin ka... hindi ka pwedeng umalis" biglang pagharang ni Ricci sa pintuan towering over me.

"Wala nga akong sasabihin! Sa'kin na lang 'yun!" Giit ko sa kanya. But he's not buying it. Gusto niya talagang malaman.

Pwede Ba? | Ricci RiveroWhere stories live. Discover now