MTD 7

6.1K 161 18
                                    

"Do you wanna build a snowman? Or ride a bike around the hall?~~" Kanta ni Karson with feelings.

"Dude! Just let it go--" Frustrated na sabi ni Luigi. Naririndi na kasi sya pero pinutol sya ni Karson...

"Let it go~ Let it go~" Kanta na naman nito. Napa-facepalm nalang si Luigi dahil dito.

*Ding-Dong*

''Pare, open the door.'' Utos ni Jonas kay Skyler. Akala mo naman bahay nya yun kung makapag-utos ee nasa bahay sila ni Skyler.

''Love is an open door~~'' Bago na naman ang kanta ni Karson, Sa sobrang pagka.rindi ni Luigi dito, binato na nya 'to ng unan.

''Pwede ba? Tumahimik ka na! Tumahimik ka na FOREVER!!'' Sigaw ni Luigi,

''For the first time in forever~~'' Kanta nya ulit with feeling and with matching pag-pikit pa. Napapikit ng madiin si Luigi at pilit na kinakalma ang sarili nya para hindi nya mapatay si karson ngayon mismo.

"Oh Pare! Para kang na-reyp sa itsura mo ngayon ah?" Tanong ni Skyler ng buksan nya ang pinto at bumungad sa kanya si Drexel na magulo ang buhok, gusot ang damit at may mga kalmot sa iba't-ibang parte ng katawan. Tinignan sya ni Drexel na mangiyak-ngiyak.

"Magaling na sya.." Sabi nya at hinawakan sa magkabilang balikat si Skyler. "Magaling na syaa!!!" Sigaw nya at inalog-alog pa si Skyler.

"Pare! Kalma. Kawa na si Sky sayo." Piit ng kadadating lang na si Jonas. Pero malas nya dahil sya naman ang inalog-alog ni Drexel na parang wala ng bukas.

"Masusuka ata ako.." Sabi ni Skyler. Nahilo sya sa wagas na pag-alog sa kanya ni Drexel.

*PAK*

Isang malakas na batok ang nakapag-patigil kay Drexel sa pag-alog kay Jonas. Tinignan naman ni Drexel ang salarin ng malakas na batok na yun, at nakita nya si Luigi na nakatayo sa tabi nya.

"Ano ba kasing nangyare? Wala kaming mapapala sa ginagawa mo eh." Seryosong sabi ni Luigi kay Drexel.

"Pare! Ayaw ko pang mamatay! Tulungan nyo ako." Pag-mamakaawa ni Drexel sa tatlo, si Karson busy pa din sa pagkanta ng mga theme songs ng Frozen ee. Hindi maka-move on ang lolo nyo.

"Ano nga kasing nangyare?" Tanong ni Jonas.

"But first let---''

"But first! Let me take a selfie~~" Putol ni Karson sa sasabihin ni Skyler. Napa-face palm naman silang tatlo dahil ayaw tumigil ni Karson.

****

Nakaupo ang limang magkakaibigan sa sofa sa bahay ni Skyler. Matamtim silang nakikinig sa kwento ni Drexel, kinukwento nito ang nangyare sa hospital nung magkasama sila ni Vanessa.

My Teacher's DaughterWhere stories live. Discover now