Fight for our Love

4 0 0
                                    

Sa mga araw na lumilipas
sa tuwing ika'y nakakasama at nakakausap
mas lumalalim pa ang pag-ibig na sayo ko lang lagi nadarama
pag ibig na sayo ko lang nararanasan sinta

Kahit gaano kahirap at kasakit
Hahayaan na lamang at magpapakamartyr
gagawin ang lahat upang ika'y manatili
Hindi hahayaang mawala ka saakin

Mahal, naaalala mo pa ba?
Yung mga panahon na nagsisimula palang tayo sa umpisa?
Noong una kong binitawan yung mga salitang gusto kita
Noong una kong binitawan yung mga salitang mahal kita

Maaari ba nating ibalik?
Ang mga masasayang panahon na ating narating
na kahit mahirap at masakit
maaari ba nating ipaglaban ang ating pagibig?

Sana lamang ay hayaan mo akong ipadama ko saiyo ang aking pagibig
pagibig ko sayo na walang dadaig
Na kahit gaano kahirap at kasakit
pagibig ko sayo parin ang mananaig

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now