Mahal Kita

1 0 0
                                    

Mahal Kita, Dalawang salita na pinaniniwalaan ng iba
Mga Salita na lagi nating sinasabi sa isa't isa
Mga Salita na may kasamang pagdama
Salita na aking kinapitan kasi akala ko totoo na

Akala ko ikaw na talaga kasi ang sabi mo mahal kita
Sa bawat araw na lumilipas ay unti unting naglalaho ang pagmamahal na araw araw kong ipinapadama
Paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko na mahal kita, mahal na mahal kita
Pero bakit hindi mo ako kayang mahalin hanggang sa huling hininga

Nakakalimutan kong Ito pala'y parang isang laro,
Larong paglalaruan lamang ang ating mga puso
Larong kailanman ay hindi magiging seryoso
dahil ang namamagitan saating dalawa ay hindi totoo

Sige ganito, Laro tayo
Tagu-taguan ang ating laro
Ikaw ang maghahanap ako naman ang magtatago.
Para naman kahit sa larong ito mabigyan mo ko ng kaunting atensyon na matagal ko nang Gusto.

Ngunit sandali, bakit pa ako magtatago?
Matagal na naman akong nasa harap mo na nagpapapansin sayo
pero kahit anong gawin ko hindi mo parin makita ang halaga ko,
Mahal, susuko na ba ako?

Sabi ko sa sarili ko ayoko na tama na
Masyado nang masakit dahil may mahal ka nang iba
Pero kahit anong gawin ko hindi parin ako tumitigil sa pagpapakatanga
Kasi naalala ko, mahal nga pala kita, mahal na mahal nga pala kasi kita.

Matagal na kitang gustong bitawan
ngunit parang naka-kadena Ang Mga kamay Natin kaya hindi kita mapakawalan
Hindi na muli mangyayari ang ating nakagawian
Umaga, Hapon, Gabi at pati na rin sa madaling araw

Sinanay mo ko ngunit sa huli'y iiwan mo rin pala
Ano pa ba ang kailangan
upang ako'y maging karapat -dapat na.
Mahal kita ngunit gusto ko nang sumuko sa pagiibigang matagal Mo na palang tinuldukan.

Mahal, sisimulan ko ulit sa umpisa.
Noong panahong ako'y mahal mo pa
Noong panahong  nasaakin pa Nakatingin ang iyong Mga mata
Noong hindi mo pa binabanggit ang mga salitang ayoko na.

Sige sisimulan ulit natin sa umpisa
Noong panahon na nangako tayo sa isa't isa
Noong panahon na sabi Kong hindi kita hahayaang mapunta sa iba
Ngunit bakit napunta ka parin sa iba kahit nakatali pa tayo sa isa't isa.

Mahal Kita, Dalawang salita na nakaka sakit na
Dalawang salita na lagi natin noong sinasabi sa isa't isa
Dalawang salita na Noon ay lagi mong sinasabi na May kasamang pagdama
Mga salita na hanggang ngayon ay kinakapitan ko parin kasi naniniwala akong babalikan mo ako at sasabihing mahal kita at ito'y totoo na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 19, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now