Chapter 34 (Let the Games Begin)

1.2K 61 24
                                    

~Chapter 34~Let The Games Begin


Kate's POV


"She's lost." Sabi ni Alfred Yan na naman, yung disturbing na feeling pumapasok na naman sa katawan ko. Bat na naman ako kinakabahan? 




"What do you mean, she's lost?" Sabi ko.




"Lost. As in, nawawala. Hindi makita." Sabi ni Alfred. Makikita mong alalang alala siya sa mga nangyari.




"Saan saan mo ba siya hinanap?" Ric




"Kung saan saan na nga eh. Hindi ko pa rin makita. Sheet! Nasaan na ba yung babaeng yun?" Sabi ni Alfred.




"Chill lang, bro." Sabi ni Darren




"Hindi mo pa naman siguro naiikot yung buong school diba?" Sabi ni Jurraine. For sure, hindi. Sa laki ba naman nitong school na 'to. 




"Hindi." Sabi niya tas yumuko. Halatang nate-tense na talaga siya.




"Yun naman pala. Malay mo nagkasalisi pa kayo niyan. Tandaan mo, sobrang laki ng school na 'to." Sabi ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin saglit. Parang nakahinga siya ng maluwag. Or medyo lang kasi natataranta pa din siya.




"Hindi ko kasi mapigilan. Kanina ko pa siya hinahanap." Sabi ni Alfred.




"Kailan pa ba siya nawala?" Tanong namin sa kanya.




"Kaninang umaga lang. Pagkatapos kasi ng seminar diba free time kaya ayun sabi niya sa akin magpapahinga daw muna siya. Syempre, hinayaan ko siya. Mukhang puyat na puyat eh. Tas bago siya umalis sabi niya sabay daw kaming mag-lunch, kaso nga lang wala namang Zendaya na dumating kaya kanina ko pa siya hinahanap." Sabi sa amin ni Alfred. I mean, page-explain pala. 




"Baka naman. Tulog pa yun. Baka nasa room niya. Tingnan mo nga 'tong dalawang 'to. Kung hindi pa namin pinuntahan sa room nila. Malamang tulog pa din 'to." Sabi ni Ric. Tiningnan naman namin siya ng masama ni Jurreine. Walang hiya talaga 'tong lalaking to.

[DCMN's Series #1] School of EvilTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang