Kabanata II

4 0 0
                                    

Chapter 2

So dead

"Ma'am kakain na raw po" sabi ng isang katulong namin mula sa labas ng kwarto ko.

Agad akong tumayo mula sa pagkakahiga at inayos ang damit ko. Kahit wala akong ganang kumain ay pinilit ko parin ang sarili ko na pumunta sa kitchen para sa hapunan.

Hindi parin mawala sa isip ko ang mga tinext sakin nung Secret Admirer/stalker ko.

Alam niya naman siguro na may boyfriend na ako at mahal na mahal ko si Dexter. 'Di ko kayang mawala sa akin ang boyfriend ko. Kahit hindi man siya sweet sakin alam kong mahal niya ako and I know that he's the one. The only one.

Agad akong umupo sa aking upuan nang makarating ako sa  kusina. Masasarap na pagkain ang nakahain. Medyo natakam ako sa mga pagkain pero wala talaga akong gana.

Napatingin ako sa pinto at nakita ko si dad kasama si mom na pumasok sa kusina. Even though nasa mid thirties na sila. Still, they look like twenty plus.

Ngumiti lang sila sakin. Kahit wala akong ganang kumain kumuha parin ako ng kaunting kanin at ulam.

Tahimik lang kami habang kumaikain. Uminom ako ng tubig nang makaramdam ako ng kaunting uhaw.

"So, how's your study? Di ka ba nahihirapan sa mag subjects niyo" basag ni dad sa katahimikan.

"It's fine dad. Medyo mahirap. But still, I can manage" sagot ko tsaka ngumiti. Nagpatuloy lang ako sa pagkain habang nag uusap sina mom and dad about sa business.

"Shane.. may business trip kami ng dad mo sa Singgapore. We'll stay there for two weeks so probably ikaw lang ang matitira dito sa bahay. Bukas na ng umaga ang flight namin. Okay lang ba sayo?"

Napatingin ako kay mom. Well sanay naman akong palaging naiiwan dito sa bahay every time na may business trip sila ni dad.

"No problem" sagot ko bago inubos ang pagkain sa plato ko.

Pumasok kaagad ako sa kwarto ko pagkatapos kumain. Maaga pa bukas ang flight nila kaya siguradong pagkagising ko ay wala na sila.

Napatingin ako sa panda stuffed toy sa gilid ko. Kinuha ko ito at pinaupo sa mga hita ko habang ako naman ay nakaupo sa gilid ng kama.

Kahit ngayon ay wala parin akong clue kung sino yung secret admirer/stalker ko. Gosh! Parang ayaw ko nang lumabas dito sa bahay. Parang ang hirap gumalaw lalo na kapag alam mong may nagbabantay sa bawat kilos mo.

Inopen ko ang phone ko para tignan kung may nag message. Di naman ako nabigo. May nakita akong isang unread message.

Akala ko si Dexter ang nag text kaya tuwang tuwa ako pero agad akong napasimangot nang makitang mula iyon sa Stalker ko. S-T-A-L-K-E-R! Stalker! Stalker ko!

"Okay shane, just calm yourself" bulong ko sa sarili ko. Pero pagkabasa ko ng mensahe imbes na kumalma ay parang nagwala ang mga demonyo sa katawan ko.

'WHAT THE HELL?!'

From: Mr. Creeps

'You look so cute with that panda on your lap. Sana ako nalang 'yang panda :('

Shooks! Pano niya nalaman?! Juskolord. Don't tell me he's a psycopath.

Napaawang ang bibig ko sa akinh nabasa. Agad akong nagreply sakanyan.

To: Mr. Creeps

'How did u know?! And who the hell r u?!!!'

Ang bilis ng pintig ng puso ko. Parang anytime pwede na itong sumabog sa bilis at lakas.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 22, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our Forbidden Love StoryWhere stories live. Discover now