1

743 56 17
                                    

Someone's POV

MARAHAN kong hinaplos ang buhok ng bagong silang kong anak. Napakaganda nya, para syang anghel na ibinigay sa akin ng Diyos para magkaroon ng liwanag kahit papano ang madilim at masalimuot kong buhay. 

Masaya ako na ligtas ko syang nailuwal kahit pa na mag-isa lang ako. Masaya ako na kahit sobrang hirap at isang delubyo ang buhay ko ay biniyayaan naman ako ng isang napakagandang anghel ng maykapal. Sya ang mga ngiti ko, ang tanglaw ko sa dilim, ang butil ng luha ko at ang huling kaligayahan ko. 

Kung maari lang ay mamuhay kaming dalawa ng payapa, kung maari lang ay magtagal pa ako sa piling ng munting supling ko. Pero hindi.

Hindi maari, dahil hindi kaya ng konsesya ko na idamay ang munting nilalang na ito sa napakagulo kong buhay. 

Isinumpa na ang tadhana ko, kaya hindi ko kayang makitang pati ang batang ito ay magdusa rin kagaya ko. 

Walang mapagmahal na ina ang nanaisin na mawalay sa kanyang anak, ngunit kung ang paglayo ko ang tanging solusyon upang magkaroon sya ng tahimik at payapang pamumuhay, kahit masakit, kahit mahirap gagawin ko.

Binalot ko sya ng lampin na kulay lavender,  bago ko sya lagyan ng isang cute na headband na gawa ko. Isinama ko rin ang isang cute na laruan. Napangiti ako ng yakapin nya ito sabay ngiti sa akin. 

Muli na namang tumulo ang aking mga luha sa mata ng marahan ko syang ilagay sa isang basket na may malambot na sapin at cotton

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Muli na namang tumulo ang aking mga luha sa mata ng marahan ko syang ilagay sa isang basket na may malambot na sapin at cotton.Napakabigat sa akin na pagmasdan sya sa ganoong eksena, para akong unti-unting pinapatay kapag iniisip kong mawawalay na sya sa akin. 

Hinubad ko ang kuwintas na regalo pa sa akin ng aking ina na minana pa nito sa amin lola. Ito ang huling regalo ko sa kanya, at ito rin ang ala-ala kung gaano ko sya kamahal. Na kahit na paglayuin man kami ng tadhana, sa pamamagitan nito ay para nya na rin akong kasama.

Nanghihina m,an ay pinilit kong maglakad upang dalhin sya sa lugar na maari syang kumkupin. Sa lugar na hindi sya madadamay sa isinumpa kong buhay. 

Inilapag ko sya sa harap ng gate, tahimik lang itong natutulog at walang kaalam-alam sa kasalanang gagawin ko. 

Pinindot ko ang doorbell ng gate.

Sa huling pagkakataon ay pinagmasdan ko sya at ngumiti ng malungkot.

" Baka pagdating ng panahon ay maintindihan mo rin ang lahat, pero sana....huwag mong kamuhian si Mama, anak ko."

Sabi ko bago nagmamadaling umalis sa lugar na iyon dahil baka magbago pa ang isip ko na hindi pwedeng mangyari. Dahil nakipagsundo na ako, at di na ako maaring umatras pa.



Third Person's POV

Pinagmamasdan ng isang tao ang bawat pangyayari kanina pa. Kitang-kita nito ang lahat, kung papano ito umiyak at kung papano nito iwan ang anak sa harap ng isang bahay ampunan. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 13, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Golden Cage ( Deathrone #7) Sun Helios DeathroneWhere stories live. Discover now