Torpe

7 1 0
                                    


Gustong gusto ko nang aminin ang totoong nararamdaman ko para saiyo,

Ngunit ang aking bibig ay bigla nalamang nagsara ang dila'y umurong at nahirapang sabihin ang totoo,

Bigla nalang nag alangan at natakot ipaalam nung ako na ay nasa harapan mo,

Natakot na baka ako'y iyong layuan at ako'y iyong iwasan pag nalaman mo,

Kaya gaya nang nakasanayan ito'y aking ililihim nalamang,

Kung gaano ka kahalaga saaking puso't isipan,
Pipiliting maging manhid upang hindi na muli pang masaktan ,

Oh mundo !
Ano ba ang kasalanan ko ?

Nag mahal lang naman ako ng todo-todo ngunit pasikreto,

Nakakalungkot isipin dahil kung sino pa ang mga taong nag mahal ng totoo,

Ay minsan ang sarili pa niya ang dahilan kung bakit sila nabibigo.

TULA MULA SA MAKATANG PUSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon