College

142 7 0
                                    

Malungkot ako dahil bukod sa wala na dito sa pilipinas si Elly ay kaklase ko pa rin ang hinayupak na si Simoun pero ang nakapagtataka lang ay hindi niya na ako binubwisit siguro ay dahil pinagsabihan siya ni Elly na wag akong awayin ang sweet talaga ng boyfriend  ko pero hindi pa rin ako sanay sa pananahimik niya kaya nilapitan ko siya.

"Hoy Simoun"

"Bakit? "

"Pinagsabihan ka siguro ni Elly noh kaya di mo na ako inaaway ngayon"

"Wala ng mang-aapi sayo kaya hindi mo na ako mapagkakamalang bully"

"Huh? Anong ibig mong sabihin? "

"Si Elly talaga yung totoong bully"

"Eh? "

"At wala talagang gusto sayo si Elly"

"Pa'no mo nasabi yan? "

"Naalala mo nung grade 3 tayo? "

"Oo, nung pinunit mo yung bagong papel ko"

"Hindi ako nagpunit non si Elly yon"

"Eh bakit ikaw yung nasa upuan ko? "

"Kasi aayusin ko sana yon kaso naabutan mo akong nasa ganong sitwasyon kaya ako agad pinagbintangan mo"

"Sorry"

"Naalala mo nung grade 4 tayo? "

"Oo,  nung ni lock mo ako sa classroom pa'no ko makakalimutan yon eh kabang-kaba ako nung mga oras na yon"

"Hindi ako yung naglock non pasalamat ka nga bumalik ako sa room natin dahil kung hindi kinabukasan ka pa makakalabas non"

"Eh bakit bumalik ka pa sa room? "

"Kasi hindi pa kita nakikita sa labas at nandoon na yung sundo mo"

"Sorry talaga napagbintangan nanaman kita"

"Naalala mo pa nung grade 5?"

"Oo yung tinulak mo ako pero kinarma kasi tinamaan ka nang pinto"

"Sayo dapat tatama yung pinto na yon kung hindi kita tinulak. Eh nung grade 6 naaalala mo pa?"

"Oo nung hinagis mo sa malayo yung toga ko"

"Kasi kapag sinuot mo yon malalagyan ng maraming langgam yang ulo mo"

"Papaano?"

"Nakita ko si Elly na nilagyan iyon at ipinatong niya sa desk mo"

"Apaka walang hiya niya"

"Tapos nung grade 7 dapat talaga nagpasalamat ka sa'kin kasi nandoon pa rin ako para iligtas ka mula kay Elly"

"Eh nung grade 8 sigurado akong ikaw yung bumato sa'kin ng bote"

"Hindi ako yon si Elly pa din yon"

"Eh bakit paglingon ko tumatawa ka? "

"Nagjojoke kasi yung kaklase natin non natawa ako kaso nasakto yon sa paglingon mo kaya ako yung nasisi mo"

"Sorry talaga"

"Tapos nung grade 9"

"Yung pinunit mo yung project ko"

"Hindi mo project yon"

"Eh? "

"Mga papel ni Elly yon inutusan niya ako na punitin iyon isa-isa bago itapon"

"Pero tinuro ka ni Elly sa'kin kaya ikaw yung sinisi ko pero ang nakapagtataka lang ay 'di ako bumagsak sa subject natin na yon"

"Hindi ka talaga babagsak kasi ipinangalan ko sayo yung gawa ko para mayroon ka"

"Salamat baka kung hindi dahil sayo hindi ako makakapag grade 10 pero bakit mo noon ginupit yung bag ko? "

"Kasi malo-lock ka nanaman sa room pag hindi ko ginawa yon"

"Huh? "

"Kagagawan ni Elly yon kaya hindi ka niya sinamahan sa loob"

"Grabe ang sama niya talaga edi nung grade 11 siya din yung naglagay ng ipis sa bag ko? "

"Exactly"

"Kaya pala way niya lang yung panghihiram ng ballpen sa'kin para buksan ko yung bag ko. Pero nung grade 12......"

"Nung sinagip kita sa tatamang bola sayo"

"Bakit mo ginawa lahat ng yon? Bakit nililigtas mo pa rin ako kahit ikaw na yung pinagbibintangan ko? Wag mo sabihing trip mo lang"

"Ginawa ko ang lahat ng yon dahil mahal kita Maria pero minahal mo si Elly"

"Sorry Simoun"

"Ayos lang tapos na rin naman lahat napunta lang din sa wala lahat ng pinaghirapan ko"

"Pero bakit yon ginawa ni Elly sa'tin? "

"Kasi ayaw niya na magkatuluyan tayo"

"Grabe di ko akalaing ganong tao pala siya"

"At alam mo ba kung sino talaga ang mahal ni Elly? "

"Sino? "

"Ako"

"Ibig sabihin.... "

"Oo bakla ang minahal mo Ria, Bakla si Elly"

To be continue........

The Bully Loves Me? Where stories live. Discover now