ANG PAG-IBIG KO SAYO

110 1 0
                                    

"ANG PAG-IBIG KO SAYO"

Araw-araw kitang pinagmamasdan

Dahil minahal kita ng lubusan

Alam kong hindi mo nakikita

Ang pag-ibig na aking ipinapakita

Gusto sana kitang lapitan

Para kamay mo'y hawakan

At gusto sana kitang yakapin

Para ibulong sayo ang aking hiling

Kahit binalewala mo ang aking pag-ibig

Pero para sa akin ako'y iyong iniibig

At sana ito ay magiging totoo

Para buo na ang mga pangarap ko

Parati kong naiisip kung minahal mo ba ako

O di kaya ito'y isang kathang isip na di mapapako

Sana mahalin mo na rin ako

Para may mabuong katagang "ikaw at ako"

Ang pag-ibig ko sa'yo ay walang hangganan

Sana naman ako'y iyong pakingggan

Upang malaman mo na ako'y sayo lamang

Kahit marami pang hahadlang

Alam kong hindi ako ang laman ng iyong puso't isipan

Pero hindi kita kayang palitan

At sana mahalin mo rin ako ng lubusan

Upang sa huli tayo'y magkatuluya

- JULES

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now