C H A P T E R 19

52 7 1
                                    

Gina's POV:

Tapos na'ko sa lahat ng gawain sa bahay at wala na'kong magawa kaya napagdesisyunan ko nalang na hatiran si papa ng pananghalian.

Malayo pa'ko ay tanaw ko na ang papa ko at yung isa pa nyang kasama na masayang nagkwekwentuhan habang nagtatanim. Inilagay ko ang dala kong basket sa lamesa sa gilid ng puno.

Hindi man lang nila napansin ang pagdating ko.

"Papa! kain na po!"

Napalingon silang dalawa sa'kin.

Saka ko lang napagtanto kung sino ang kanyang kasama...

Si Xander pala...

"Papunta na kame 'nak!"

Sigaw ni tatay.

Nananaginip ba ako? P-Paanong ang isang tulad ni Xander na sigurado akong galing sa mayamang pamilya sa maynila ay marunong magtanim ng palay?

Unbelievable...

Habang sila ay naghuhugas ng kamay ay hinanda ko naman ang kakainin nila.. sakto lang pala dala ko.

"Wow! Ang bango!"

Hiyaw ni Xander. Mukhang natatakam na sa naaamoy nya.

"Sya nga pala anak. Bakit ka nga pala pumunta dito?"

Pagtatanong ni Papa sa'kin.

"Wala lang akong magawa papa."

Tango lang ang tanging sagot ni Papa. Si Xander naman ay ang lakas kumain. parang ngayon lang ulit nakakain ang isang 'to. Kahit puno pa yung bibig nya ay susubo na naman ulit. Ang takaw!

"Hoy! Magdahan-dahan ka naman sa pagkain."

Suway ko sakanya.
Nag thumbs up lang siya habang nasa pagkain parin ang atensyon. Ibang klase!

Hinintay ko silang matapos kumain at niligpit na rin ang mga pinagkainan nila. Hindi muna ako umalis dahil mainit na rin ang sikat ng araw.

Sila Papa at Xander naman, bumalik na sa pagtatanim.

Ang saya tignan ni Papa at ni Xander na nagtatanim habang nagkwekwentuhan. Na-Curious naman ako kaya lumapit ako sakanila kahit na mainit ang sikat ng araw.

"Ang saya natin dyan ah?"

Komento ko.

"Oo nga eh, Gusto mong sumali?"

Baling sa'kin ni Xander habang naka-ngiti.


Please Leave A VoMment.
L O V E L O T S! <3
-Ms.A

Totally Inlove With My Oppositeحيث تعيش القصص. اكتشف الآن