Chapter 5- Christmas Vacation ||

7 1 0
                                    

Jay-Ann's Pov

Nasa railings kami ng fountain ni Brian. Nakatitig ako sa mga tubig at nakatalikod naman siya saakin. Kanina pakami nag uusap at hindi naman maalis Ang mga paru-parong nag wawala saaking tiyan.

Walang kami. Ako lang Yung kinikilig. May girlfriend siya, Pero hindi pa sila nagkita. Best friend lang kami. Kaya Normal lang sakanya Na ganito kami. Parang sinaksak Ang puso ko sa naisip ko.

"Ganda dito Jay noh? Sana dito kami magkikita ni Karen." Sabi Niya ng nakangiti. Karen is his girlfriend.

"Hahaha naman. Magpabook kanalang ng restau." Sabi ko habang nakangisi. Tumawa naman siya at umiling.

"Benta ko muna bahay namin." Tugon Niya sa seryosong tono kaya sinapak ko siya at tumawa ng malakas.

"Tayo Na nga! Malapit ng mag twelve. 11:50 Na oh" Sabi ko at hinila siya papunta sa mga classmates namin, Na kagagaling lang sumayaw.

"Oiii sabay silaaaa"

"Ayieeee"

Lumayo agad ako Kay Brian ng napansin ng mga classmates ko Ang pag-uusap namin. Hindi naman mawala Ang tili ni Aira kaya umupo ako sa Tabi ni Loren na tahimik at nakadungaw sa cellphone Niya. Lagi naman.

"Kanina ka pa diyan Loren? Where here to bonding, sa bahay kana mag Facebook. "

"Me and Zera are chatting Jay." Sabi Niya na hindi ako tinignan.
Humupa na ang tilian ng mga kaklase ko.
"Thank God." Bulong ko sabay ngiti. Salamat at nag usap kami, paskong-pasko, napakalaking blessing to.

"Masasaktan ka lang Couz." Sabi ni Loren kaya napalingon ako sakanya. Tumawa ako at sinagot siya. ''Lagi naman Loren, Kasi nga best friend lang kami."
Ngisi ko sabay tingin siya na umiiling. Inlove nato Kay Mark eh. Ayaw lang aminin. Since elementary wala paakong Alam Na nag ka crush to, Pero nagka boyfriend naman ng taga Manila.

Tumalon talon kami ng sumabog Na Ang fireworks, sobrang saya! Magkatabi kami nina Brian at Aira habang nanonood.
Umingay narin sa loob dahil sa sayawan at dumami Na Ang mga tao.

"Merry Christmas guys!!!"

"Merry Christmas!"

Batian namin sa isa't-isa. Lumapit ako sa mga kaklase Kong lalaki, at Kay Brian. Binati ko siya, at binati Niya rin ako.

Ngiting-ngiti ako papunta Kay Loren na may kausap Na lalaki. Nakaupo parin siya Simula nung dumating kami. Ibang klase talaga to.
Lumapit ako sakanila at naaninag ko si Mark na umupo sa upuan ko kanina.
Natahimik siya sa pagsasalita at tumayo naman si Loren.

"Done Jay? Let's go. I'm over here. My family needs me for dinner. Nasa labas si Daddy. Punta Na Tayo don." Sabi Niya tapos dinampot Ang bag niya Na di inaantay Ang sagot ko.

"Anong ginawa mo don?" Tanong ko Kay Mark. Saktong paglapit ni Aira samin.
Nagkibit-balikat lang siya at lumapit Kay Brian papunta sa loob.

Sabay-sabay kaming lumabas ng ibang girls at nagpaiwan Ang boys.

Binuksan ko Ang kotse nila Loren, sumunod naman si Aira at nasa front seat si Loren na nakapikit Ang mata habang nag heheadset kaya tinanggal ko ito at nilingon Niya ako ng iritado Ang mukha.

"Where is tito?" Tanong ko sakanya.

"Pumunta sa malapit na grocery. He'll be back in a minute." Sabi niya sakin at ibinalik ang headset.

"Jay, kausapin mo kung anong nangyari sakanila ni Mark" hagikhik ni Aira. Napangisi nalang ako at tinanggal ulit ang headset niya.

"Ano ba?!" Sigaw Niya. Okay sanay Na kami sa ugali Niya.

THE STORY OF USWhere stories live. Discover now