Chapter 6

13.7K 397 7
                                    

Lexis Ara Scott POV

"Baby Ara! Lutang ka na naman!"

Nakangusong sabi ni Carin sa'kin na nag pabalik sa'kin sa reyalidad, tinignan ko naman siya at pinangunutan ng noo

"Ako yung kasama mo pero iba ang iniisip mo! Lalake mo 'no?!"

Inis na tanong ni Carin habang nakanguso at dahan dahang lumapit sa'kin at hinawakan ang mag kabila kong balikat

"Baby Ara, ako 'yong lalake mo 'diba?"

Nakangusong tanong niya kaya tinaasan ko nalang siya ng kilay bago siya inirapan at nag Simula ng mag lakad

"Hintay!"

Nagdadabog na ani niya kaya napalingon naman ako sa kaniya at making gulat ko ng makita ko siyang umupo sa mismong gitna ng mall at konti na lang ay iiyak na

Yung para bang bata na nawala sa magulang niya

Aish! Carin!

Napabuntong hininga nalang ako bago dahan dahan siyang nilapitan at bahagyang yumuko para magkapantay ang mukha namin

"Tumayo ka nga d'yan!"

Inis na bulong ko at niyugyog pa ang balikat niya, agad naman siyang nagtaas ng tingin na bahagya Kong ikinaatras pano ba naman kasi muntik ng mag dikit ang labi naming dalawa, pero Hindi ko pa nga magawang maiatras ang ulo ko ng hilahin niya ito papalapit sa kaniya at bahagya akong hinalikan, nanlaki ang mata ko at bahagyang umawang ang mga labi ko.l, dahil sa kagagawan ng isip batang 'to

"That's your punishment baby Ara, for thinking about other men and not me."

Agad akong napakurap kurap pagkatapos niya Kong halikan ay binulong niya sa'kin ang mga katagang 'yon

"Now, let's go? Baby Ara?"

Para na namang batang sabi ni Carin kaya napakurap kurap ako bago nag kibit balikat at ipinagsawalang bahala ang bahagyang pag iiba ng ugali ni Carin, bago siya nginitian at tumango

"Sa'n tayo pupunta?"

"Kung sa'n mo gusto."

"Ahh! Kumain muna tayo! Tapos pupunta tayo sa arcade! At pagkatapos ay mag sho-shopping tayo!"

Excited Kong sabi kaya bahagya namang tumawa si Carin at pumalakpak pa

"Sa'n tayo kakain?"

Tanong ko, nag isip naman siya bago humawak sa tiyan niya, kumukulo na siguro

"Sa Mang Inasal na lang tayo! Para may unli rice!"

Sabi niya at walang sabi Sabing hinatak ang kamay ko at iginaya ako papasok sa Mang Inasal humanap muna siya ng upuan at dun ako iginaya bago siya nag order

"Alone?"

Agad akong napatingala ng marinig na may nag salita sa harap ko

Tinaasan ko lang siya ng kilay at nanatiling tahimik

"Sungit."

Dinig Kong bulong niya kaya lihim akong napairap bago itinuon nalang sa iba ang atensiyon ko

Narinig ko naman ang bahagyang tunog ng upuan kaya agad akong napatingin sa kaniya at agad nangunot ang noo ko ng makita siyang nakaupo dun

"May naka upo d'yan."

Sabi ko pero nginisihan niya ako at dahan dahang napapalakpak

"Yun! Nag salita rin."

Sabi niya at Hindi maaalis ang pag ka mangha sa kaniyang mata kaya inirapan ko nalang siya

Pregnant by that Childish CEO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon