Unang Kabanata: Changes

37K 439 45
                                    

Kring!!! Kring!!!!

Nagising si Lyra sa malakas na tunog ng kanyang alarm clock.  Ala-siete na ng umaga, gaya ng nakagawian ay iaayos na niya ang sarili para sa pagpasok sa trabaho.  Isang malalim na hinga muna ang kanyang ginawa at inilibot ang mata sa kanyang kwarto.  Malayo na ang nagbago sa kanila mula sa kalagayan nila noon sa lumang barong barong.

Ang nakuha nilang compensation sa kumpanya na dating pinagtatrabahuhan ng kanyang ama ay ginamit nila upang makabili ng isang maliit na lote.  Ang kanilang bahay at lupa ay pinagbili nila upang ipagpatayo ng hindi rin naman kalakihang tahanan.  Si Lyra naman ay maganda na ang katayuan sa malaking kumpanya ng oil refinery.  Totoo pala na kapag maganda ang records sa TCG mo (True Copy of Grades) at pasado ka sa board exam ay trabaho ang lalapit sa iyo.

Hinawi ni Lyra ang kurtina, nasanay na siya na kailangang nakakapasok ang liwanag sa kanyang kwarto.  Kinuha niya ang kanyang tuwalya at lumabas na ng kwarto.  Bago siya tuluyang bumaba ng kanilang bahay ay kinatok muna niya ang kanyang kapatid.

"Nico!  Bangon na diyan at baka tanghaliin ka na naman sa pagpasok mo." Nico na ang tinawag niya sa kapatid mula ng tumuntong ito ng highschool.  Nagagalit na kasi ito sa tuwing tatawagin niya ito ng Botchok.  Ngunit paminsan minsan ay tinatawag niya pa ring Botchok ito lalo na kung gusto niya itong inisin.

Maya-maya pa ay binuksan ng kapatid ang pintuan ng kwarto  nito. "Gising na po ako."  Sabay dila sa kanyang ate Lyra.

Taglay pa rin ni Nico ang kanyang kakulitan mula noong bata pa.  Ngunit hindi gaya ng dati na parang sasabog na ang tshirt nito sa laki ng tiyan, binata na ang pangangatawan ng kapatid.  Wala na ang mga baby fats na gustong gustong kurutin ni Lyra.  Paminsan minsan ay naalala ni Lyra ang kakulitan ng kapatid at nami-miss niya ito.  Ang Botchok na napakakulit at napakasimple lamang ng buhay.

Bumaba na si Lyra, matapos masiguradong gising na ang kanyang kapatid.  Ayaw rin naman niya kasing nahuhuli ito sa pagpasok.  Nais niya sana na maging matagumpay din ito at ng makaginhawa na ng tuluyan ang kanilang Ina.

Nagulat si Lyra ng makitang ang nanay na naman niya ang naghahanda ng kanilang agahan.  Gusto niya kasi ay nagpapahinga na lamang ito at huwag ng maistorbo sa pagtulog niya tutal kaya na naman nilang maghanda ng sarili nilang agahan.

"Nay, ang aga niyo na namang nagising.  Sabi ko kaya na namin yan.  Kailan pa kami matututo sa buhay kung palagi niyo na lamang kaming bine-baby?" wika ni Lyra sa kanyang Ina na mukhang ang laki ng ibinata.  Hindi na rin ito nagtatrabaho sa pagawaan ng basahan at tumigil na lamang sa kanilang bahay sa utos na rin ni Lyra.  Hindi na rin daw kasi bata ang Ina.

"Batang ito, eh anong gusto mo.  Humiga ako maghapon dito sa bahay eh nag-iisa lang naman ako dito.  Saka hindi ako sanay ng walang ginagawa, alam mo yan.  Kasiyahan ko na ang pagsilbihan kayong magkapatid."  Sagot nito sa anak.

Habang nag-uusap sila ay hindi na namalayan ni Lyra na umupo na pala ang kapatid sa hapag-kainan. "Nay, ano ang ulam?"  tanong ni Nico na hawak hawak na ang bagong sangag na kanin at nagsasandok na.

Ginulo ni Lyra ang buhok ng kapatid. "Ikaw, kanina ka pa pala gising, sana tumulong ka kay Nanay." Sermon nito sa kapatid.

"Huwag mo ngang ginugulo ang buhok ko." Galit na wika ni Nico sa ate niya.

Binata na talaga ang kapatid niya.  Kung dati-rati eh aawayin siya nito kapag inaagawan sa chocolate eh ngayon ang buhok na ang iniintindi.  Sa totoo lang ay mas matagal pa yata ang inilalagi ni Nico sa pag-aayos ng buhok kaysa sa paliligo.

"Pagkatapos sa eskwela, uwi na ng may kasama naman si Nanay dito.  Hindi yung puro panliligaw ang inaatupag mo.  Pumapasok ka sa school para mag-aral hindi para magka-girlfriend.  Naintindihan mo ba?" Palala nito sa kapatid.

Broken Promises-"My Chinito Book 2 Completed"Where stories live. Discover now