CHAPTER 3: Encounter

227 12 0
                                    

                   Chapter 3

Raine's POV

"Raine, I told you okay lang ako. Pumasok ka na at malelate ka na."

Hindi ko pinansin ang sinabi nya bagkus ay patuloy ako sa paghahanda ng gamit namin. Ipapa-admit ko ulit sya sa ospital. Naatake na naman ang sakit nya.
Kalalabas nya lang nung isang araw, akala ko okay na pero hindi pa pala. Katulad kanina, nahimatay na naman sya bigla.

"Raine, c'mon. Darating din ang Papa mo mamaya dito. Okay lang ako."-patuloy sya sa pagkumbinsi sa akin na huwag ko ng ituloy ang pagdadala sa kanya sa ospital.

"Ma, makinig ka sakin, kailangan mo to pra lumakas ka. Delikado kapag andito ka sa bahay at anytime pede kang mawalan ng malay at kapag hndi agad natumaran ng gamot maaari mo tong ikamatay. Maawa ka sakin Ma, ikaw na lng ang kakampi ko."

Umiwas ako ng tingin pagkasabi ko noon. Ang awkward, hindi ako sanay na seryso ang usapan naming mag-ina. Pinagpatuloy ko ang pagtitiklop ng damit nya at mabilis na isinisilid ang mga ito sa bag na aming dadalhin.

"Raine mahal ka ng Papa mo. Mahal nya tayo."

"I know, pero as long as na umaasa tayo kay Papa mas lalo lang tayong ginagawang miserable nina..."

Hindi ko maituloy ang sasabhin ko, karapat-dapat ko ba silang tawaging lolo at lola? Eh ni hindi nga nila ako tinuturing na apo. Napailing ko sa aking isipin. Hindi ko na maipipilit pa ang sarili ko sa kanila. Kumg ayaw nila, edi wag.

"Ma, halika na ayos na tong gamit mo."

"Tawagan mo na lang ang Papa mo at sya na ang nagdadala sakin. Pumasok ka na at huling-huli ka na sa klase."

"Sumama na kayo sakin. Ipapa-admit ko kayo don at tatawagan ko si Papa. Hihintayin ko syang makarating at saka ako papasok sa klase ko."-paliwanag ko at binitbit na ang bag.

Nkita ko syang nakatitig lang sa akin habang nakaupo sa dulo ng kama. Hinawakan ko ang kamay nya.

"Let's go"

Mabuti na lamang at hindi na sya tumutol pa. Pagkarating namin kaagad ay agad na syang binigyan ng kwarto para panatilihan. Wala pa daw ang Dr, dahil mamaya pang tanghali ang pagsisimula ng rounds nito. Naitext ko na din si Papa, hindi nako nag-abalang tawagan sya dahil baka mamaya ay mag ginagawa sya o dili kaya ay baka nasa kumpanya pa.

Mga kalahating oras akong naghintay habang si Mama ay nakatulog na, dala na rin ng pagaakaturok sa kanya at sa swerong kanina pang naikabit sa kanya.

"Dhina."

Napalingon ako ng tawagin nya ako sa aking unang pangalan. Alm kong siya lang ang tumatawag sa akin noon.

"Goodmorning lola, lolo"-bati ko sa kanilang dalawa, sabay bow.

Napangiwi naman agad ang ginang dahil sa aking pagbati, kita ko rin ang pag-irap nya at mas lalong lumapit sa akin.

"Hija, its Mr. and Mrs. Marquez. Wala kang dapat itawag sa amin kundi iyon lang. Ang lolo at lola ay dapat lang itawag ng anak ng aming anak. At hindi ikaw yon."

Npalunok ako sa kanyang sinabi. Sya si Flora Marquez ang ina ng stepfather kong si Nate. Mainit ang dugo nito sa aming mag-ina. Sa tuwing magkikita kami ay tanging pangiinsulto lang ang mga sinasabe nya. Sa aming pamilya si Wren lang ang kinagigiliwan nya, ang aking kapatid. Sya ay tunay na anak ng aking ina kay Papa. Samantalang ako iba ang aking ama, mabuti na lamang at tinanggap ako ng maayos ng stepfather ko.

"Alam ko PO yun, MRS. MARQUEZ."-tugon ko at diniinan ang salitang 'po' dahil ayokong isipin nya na bastos ako. Khit na sa totoo lang ay gustong-gusto ko na syang sagutin. Pasalamat sya at malaki ang utang na loob ko kay Papa. "Bkit nga pala kayo naparito?"-tanong ko.

It Just HappenedWhere stories live. Discover now