Chapter 22

2.9K 86 7
                                    

Chapter 22

Muli kong binalik ang sulat sa drawer. And because of too much crying i fell asleep. Nagising na lang ako nang maramdaman ko ang pagyugyog ng anak ko saakin.

"Mommy wake up! let's have a dinner."

Pilit akong ngumiti. I don't want to show Ice how miserable i am, i want her to grow happy. Sa panahon kasi ngayon pahirapan na ang makahanap ng kasiyahan. In this generation, most of the people felt vulnerable and unhappy. I don't want Ice to feel the loneliness of this world. I want her to stay positive at all cost.

"Okay baby..." bumangon na ako at sumunod sakaniya. Alas-siete na pala, alas-tres ako umuwi kahit papaano mahaba haba ang tulog ko. I badly need it.

"Mommy's here!" she announced.

Nasa mesa na sina mommy at Felix, umupo naman ako sa katapat na upuan niya. Tumabi naman saakin si Ice. She knows how to eat all by herself. Nakatitig saakin si Felix, umiwas naman ako nang tingin.

"Mugto ata iyang mga mata mo?" takang tanong niya at sumubo ng kanin.

"Wala lang, trip ko lang iyong pamugtuin ang mata ko." i said nonchalantly.

"Ako pa niloko mo? hello sister, nasa iisang kumpanya lang tayo nagtatrabaho alam ko na ang chismis. Narinig ko kay Katrina na pumasok si Architect sa opisina mo tapos lumabas ka daw at nagmamadaling umalis." ngiwi niya.

"Mamaya na kayo mag-usap, kumain muna tayo." suway ni mommy.

Kinabukasan hindi ko alam kung papasok ba ako. Nawawalan ako ng gana, thinking that i might see him again. Of course i am going to see him again! He's the Architect of this upcoming project next month! Maagang umalis ulit si Felix, okay lang dahil may bago naman akong kotse. I spaced out after i remembered that he was the one who personally picked this car. I just shooked my head.

Nang nasa byahe ako, napapaisip ako kung tutuloy ba ako sa trabaho ngayon. But instead of driving my way to the company, i turned my car driving my way to Cyrsice's coffee shop. I texted Katrina first.

Ako:

Kat. I am not going for today, no meeting schedules, right?

I sent it. I got her reply right away.

Katrina:

Wala naman po Ms. President. pero hinahanap ka po ni Architect Velasco, he wants to talk to you daw.

To hell with him?! Wala akong pakealam sakaniya, makipag-usap siya sa sarili niya. Ano mangyayari kapag nag-usap kami? Iinsultuhin niya ulit ako, putangina niya kamo!

Ako:

I am not going to talk to anyone. Update me if something happens.

Tinago ko na ang phone ko at bumaba na sa kotse. Pumasok na ako sa loob ng shop ni Cyrisce. Nang makita ako ng staff niya ay agad niyang tinawag ang amo niya. Lumabas naman si Cyrisce.

"Oh? napadalaw ka?" takang tanong niya.

"Tara, inom." biro ko.

"Siraulo! coffee shop 'to hindi bar! maupo ka muna doon, may tatapusin lang ako. Maya mo na ako dramahan."

Umupo na ako malapit sa may bintana. Habang hinihintay si Cy, ay nakatanggap naman ako ng text mula sa hindi kilalang number.

Unknown Number:

Let's talk.

May hula na ako kung sino iyon. Malakas ang pakiramdam ko na si Damien iyon.

Ako:

Just To Get YouWhere stories live. Discover now