Chapter 14

3 1 1
                                    


Farra's POV

Inubos ko lahat ng oras ko sa music room. Wala pakong lakas para lumabas. Pero nung nag-bell na para sa lunch lumabas na ako tsaka dumiretso sa cafeteria.

Pagkapasok ko sa entrance nakita ko na sila ara sa inuupuan namin pero si ji eun lang yung nandun. Eh?

"HI!" bati niya sakin kaya nginitian ko nalang siya tsaka tumabi sakanya.

"Ikaw lang?" I asked.

"Nope! Susunod si chaemin dito. Ewan ko kung nasan yung dalawa" aniya sabay kibit-balikat. Hmmmm mukhang may namumuo na sa dalawa ah?

Nadatnan ko si mark na nakatitig sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin pero nag-smirk lang ang loko. Wth?

"UY! CRUSH MO SIYA NO?!" tanong ni jieun habang nakaturo kay mark kaya tinakpan ko bunganga niya saka tinago kamay niyang ng nakaturo

"HINDI AH! YUN CRUSH KO OH!" sabi ko sabay turo kay .... Sino yan? He's popular rin dito sa campus. Teka... IAN?! AS IN TYRENCE IAN CRAIGE?! OHSHIT! NO!

"ANO?! SI IAN? YUNG PLAYBOY?" pasigaw na tanong ni jieun habang nakalaglag panga. Omg earth kainin mokooo!

Wala na akong nagawa kundi tumango nalang. Napatingin naman si ian samin. Puta. NOOOOO!

Nakita ko kung pano ako kinindatan ni ian. Kinilabutan ako as in. SOBRA.

Umiwas ako ng tingin ng madatnan ko siyang may kaakbay palang dalawang babae. Waw playboy indeed.

Dumating na yung tatlo at nagsimula na kaming kumain...

"Uuy! Cousin... May samting ba sainyo?" Nakangising tanong ni chaemin sa pinsan niya.

Nagulat ako nang ngumisi si seojun pero umiling. Nako nako!

"Uy ikaw chaemin? Ano ha? Yung manliligaw mong ashton. Anyare?" Tanong ko kaya biglang sumimangot si chae.

"Nah. Don't have time to say yes. Study pers!" Aniya sabay ngiti.

Natapos ang lunch break namin ng di namin namamalayan kaya dali-dali kaming pumunta sa classroom.





"OKAY! CLASS DISMISSED!" Sabi ng prof namin sabay labas ng classroom namin. FINALLYYYY! UWIAN NA!

Nauna na yung apat sakin. Okay lang sanay nako :> charot drama mo.

Naglalakad na'ko pababa sa ground floor ng makasalubong ko si ian. No no no... Not now.

I saw how he stared at me. Nako.. Lord help!

"Anong lord help pinagsasabi mo?" Tanong niya habang nakangisi. Sheeeet!

"Totoo ba yung may gusto ka sakin?" Tanong niya ulit... In a low voice.

"No. You're not my type. Playboy ka" diretso kong sagot. Napangiwi naman siya.

"Really? Okay then" aniya saka ako tinalikuran at naglakad palayo.

Honestly, gwapo siya. Matangos ilong, makapal kapal kilay, brown eyes and his red lips... No wonder why many girls want him.

Nakasunod ako sakanya pero may malayong agwat samin. Nung makalabas na siya ng tuluyan tsaka ako dumiretso sa sasakyan ko... Teka bakit wala-- OH FUCK! I'M DEAD! DI KO DALA SASAKYAN KO. INIWAN PALA AKO NI ARA BUSEEEET!

"AAAAAH!!!! PANO AKO MAKAKAUWI NITO?!"  Napasigaw ako dahil sa inis kaya napatingin sakin si ian. Inirapan ko naman siya. HUHUHU

Sumakay na siya sa motor niya... Yung magarang motor beh hindi yung nakikita mo sa kalsada. Mukhang mamahalin nga e... Mas mahal pa ata to kesa sa sasakyan ko.

How We Met (On- Going)Where stories live. Discover now