kabanata 3

1K 21 0
                                    

University

Nasa harapan na ako ngayon ng university, syempre tumawag sila nanay at tatay para i-goodluck ako.

Umiiyak si nanay habang si tatay at natatawa, kinamusta lang nila ako kung maganda naman daw ako kay nay Kuring, syempre sinabi kong oo. Kinuwento ko din sakanila na napalago namin lalo ang karinderya ni nay Kuring dahil nadin sa tinuro kong recipe ni nanay sa pagluluto ng lugaw, halo-halong mainit at sopas. Sa champorado naman ay hindi ko sinabi ang recipe dahil mahalaga yun kay nanay dahil namana niya payun sa mga kanunu-nunuan pa niya.

Tuluyan na akong pumasok at kinabahan, first day of school ko dito at second day ko nang pagpunta dito.

Pumunta ako ulit sa Faculty Room at humingi ng map at schedule duon sa head ng faculty.

Nang makahingi ay pumunta na ako sa naka assign kong classroom, dito kasi ay teacher na ang lumilipat ng room hindi mga students.

Kumatok ako sa pintuan ng magiging classroom ko na naka sulat sa schedule ko at tinuro ako dito ng mapa.

Bumukas ang pintuan at bumungad saakin ang naiinis na mukha ng teacher at magulong classroom. Lahat sila lalaki at mukhang ako lang ang babae dito.

“Ikaw ba yung transferee?” tumango ako at bumakas ang pag aalala sa mukha nito. “Baka di mo kayanin sa room na ito?”

“Kaya ko ma'am, basta ba wala lang manggugulo o mang aaway.” tumango ito at pinapasok ako, hindi pa ako naka uniform dahil next week pa darating ang mga iyon. Sagot na lahat nung dean na nagbigay ng scholarship ko. Pati nadin sa lahat ng gagamitin ko sa school na mas nauna, kakatanggap ko nga lang nun kahapon.

Nasa harapan ako ngayon ng lahat ng lalaking nakatingin saakin ng maigi, maraming seryoso, nakangisi at napapangiti.

Ngumiti ako at hindi inalintana ang mga tingin nila, siguro ngayon lang sila magkakaroon ng kaklaseng babae.

“You may introduce yourself so that we can start the class.” sabi nung teacher, mukha siyang masungit sa unang tingin pero mabait siya at malumanay kung magsalita.

Ngumiti ako sa harapan nilang lahat at halos lahat ay napanganga. “Hi ako nga pala si Lamina Lie R. Bendilla, scholar po ako galing Bicol. Sana po maging maganda ang pakikitungo niyo saakin at maging magkakaibigan tayong lahat. Masa marami mas masaya! So yun lang po at magandang umaga!” masiglang bati ko at naupo sa hulihan kung saan may anim na bakante at naupo ako sa isa.

“So we may start the class, magpapakilala muna ako dahil hindi mo pa naman ako kilala miss at syempre kailangan dahil first day. So I'm Mrs. Rona Cruz, ang office ko ay sa loob ng faculty at kung may kailangan ka saakin puntahan mo nalang ako, kung magrereklamo ka sa mga kaklase mo okay lang din.” nagsiayawan naman ang mga kakalase ko.

Ma'aaaaaam naman ehh mababait po kami!’

Di na rin po kami magpapasaway

Magtitino na po kami ma'am’

Marami pang nagsisabi ng ganyan na tinalikuran nalang ni ma'am at nagsulat sa board, kinuha ko kaagad ang notebook kong bago at sinulat ang subject sa malaking sulat at nilagyan ng design sa baba nito ay pangalan ng teacher at pangalan ko sa baba nito, SCIENCE ang subject na ikina ungol ng mga kaklase ko sa pagkadismaya.

Napapailing nalang ako, nasa kalagitnaan si ma'am sa pagsusulat ng mga formula at nang maiexplain niya saamin ng mabuti ang paggamit nito ng may kumatok sa pintuan at binuksan yun ng malapit duon at pumasok ang anim na lalaki. At kasama sila duon sa nakita ko nung papauwi na ako.

Bumati sila ng ‘Good morning ma'am’ kay Mrs. Cruz na tinanguan lang nito.

Nagsiupuan ang mga lalaki sa tabi ko at may nag iisang nakatayo sa harapan ko, napatingin ako dito ng nagtataka.

Tumaas ang kilay nito at bago pa man ito makapagsalita ay naunahan na siya ni ma'am.

“Mr. Wazer, transferee po siya at pwede ka naman maupo sa iba o kung ayaw mo namang malayo ka sa mga kaibigan mo ay by alphabetically nalang para di talaga kayo malalayo?” ngumisi ang lalaking nasa harapan ko ngayon at tumango.

Kinuha ni ma'am ang name ng students dito sa room o attendance na tinatawag at nasa unahan ako kung saan may katabi akong nerd sa kaliwa pati nadin sa kanan ko, kinawayan ko silang dalawa at ngumiti, ganun din sila. Naka brace yung nasa kanan ko at may big glass, sa kaliwa ko ay wala pero may big glass din at kulot ang shiny niyang hair,  in fairness maganda ang pagkakakulot nito, yung tipong guluhin mo man ay hindi magkaka buhol buhol.

Nalaman ko din na lagpas kaming 20 dito sa room at tambakan daw ito ng mga makukulit at pasaway na mga lalaking na hindi tinanggap sa ibang section.

Tinuon ko ang pansin ko sa board at nagsusulat bawat mga detalyeng sinasabi ni ma'am about sa formula, hindi matanggal sa isip ko kung bakit parang hari harian dito yung anim na yun. Hinayaan ko nalang at nakinig kay ma'am.

Bad day ba ito o good day?

Baka mamaya pa natin malalaman.


Capturing His Promdi GirlWhere stories live. Discover now