Chapter 1

7K 64 0
                                    


Sunday, 8:00am ng umaga. Nagpeprepare na si Deanna para sa pagsimba niya mamaya. 10:00am kasi ang simula ng service. Maaga siyang umalis ng bahay sa kadahilanang mahaba pa ang byahe nito patungong simbahan. 9:45am na siyang nakarating at may 15 minutos pa siya upang magbasa basa ng kanyang notebook, habang hinihintay ang iba pa nitong kasama na kasabay niyang magservice. Maya maya pa ay nagsidatingan na ito at sabay sabay na pumasok sa loob.

11:45 na ng matapos ang service. Kanya kanya na silang diskarte sa paglabas dahil sa dami ng taong kasabay nilang lumalabas at medyo masikip na din ang daan. Nakalabas na siya at sinundan ang mga nauna niyang kasama. Lumingon lingon ito upang hanapin ang bestfriend niya nang may napansin siyang babae sa bandang kaliwa niya na nakaupo sa dulo at busy sa phone neto. Tinitigan niya ito ng ilang saglit at tinawag ang kaibigan niya na saktong dumaan sa harap niya.

Bea... halika tignan mo yung babae na nakaupo dun sa bandang dulo na nakasuot ng polo na pink. (sabay turo sa lugar kung san nakaupo ang babae) Kahawig niya si Michelle. (kaibigan nito na kailan lang din niya nakilala).Lumapit naman ito at tinignan ang tinuturo ng kaibigan. Maya maya pa ay nakita niya at sabay sabing oo nga noh! Tinitigan nila ito ng ilang saglit nang bigla itong napatingin sa kanila. Agad naman silang umiwas ng tingin at naglakad patungo sa iba pa nilang kasama.

Bandang ala una ay lumabas sila pati ang mga kasama may meeting kasi sila sa labas at diretso kain na din sila at hindi pa sila nanananghalian. Habang naglalakad ay biglang sumigaw ang isa sa kasama neto "Nicole", nagtaka naman ang mga kasama neto kung sino ang tinatawag na Nicole. Tawag niya ulit "Nicole". At tumingin ang isang babae na pasakay na sana ng cab. Itinuro nito ang sarili at tinanong sa sumisigaw kung siya ba ang tinutukoy nito. Tumango naman ito at kinompirmang siya nga ang tinatawag nito. At binanggit ulit ang pangalang Nicole. Nang marinig nila itong sumisigaw ay agad naman silang lumingon. Pag lingon ni Deanna ay nakita niya ulit yung babaeng nakita nila kanina na umano'y kamukha daw ng kaibigan nila. Pagkatango ng kasama nila ay agad naman itong sumagot at sinabi ang pangalan niya. "Jema po". Pag kasabi ng pangalan niya ay agad naman itong humingi ng pasensya. Siguro ay napagkamalan niya din itong isa sa mga kakilala niya. Ngumiti naman ito at tumango upang ipahiwatig na okay lang sa kanya at agad sumakay ng cab. Nagpatuloy na sila sa paglalakad at nagkwento si Jia sa kanila na akala niya ay si Nicole, na isa sa naging kagrupo niya nung team building. Nakarating na sila sa pupuntahan nila at kanya kanya nang umorder ng kakainin nila para habang nagmemeeting ang mga ito ay kumakain na din sila ng pananghalian nila at makauwi na din pagkatapos.

Flash forward...

June 1 may malaking event silang pupuntahan kung kaya't maagang gumising si Deanna upang magprepare at mahaba na naman kasi ang byahe neto papunta sa event. Pinagtetext na nito ang mga kaibigan niya upang ipaalam na papunta na siya sa event. Nang makarating ay isa isa na niya itong hinanap una niyang nakita ang bestfriend neto na si Bea. At sunod sunod nang nagsidatingan ang iba pa nitong kasama. Sabay sabay na silang pumasok. Nagsimula at natapos na ang event na masaya ang mga ito. Uwian na at kanya kanya na silang tanungan kung saan dadaan ang mga ito sa pag uwi. Nagcommute lang kasi ito dahil pinalinis niya ang sasakyan niya at hindi pa ito tapos nung umalis siya ng bahay. Karamihan naman sa kanila ay sa LRT ang daan kaya sabay sabay na itong naglakad patungo sa sakayan. Nang makarating na sa LRT ay kanya kanya na silang siksik ng kanilang sarili sa loob gawa nga ng maraming sumasakay dito. Yung iba niyang mga kasama ay nakatayo yung iba ay nakaupo na sa sahig. Siya naman ay umupo na din dahil mahaba pa ang byahe neto. May kanya kanya silang kausap at pinagkekwentuhan, tawa dito tawa doon madalas ay puro kalokohan ang mga pinaguusapan ng mga ito.

I will always love you 💕Where stories live. Discover now