Chapter 4

1.7K 54 2
                                    

June 1 umattend ako ng big event. Maraming tao at maingay ang paligid. Nung uwian na ay sumabay na ako sa mga kaibigan ko umuwi. Pa LRT sila kaya sakto sa way ko pauwi. Siksikan sa loob ng LRT pero pinilit naming isiksik sarili namin sa loob para makauwi na. Uwing uwi na din kasi ako e. Monumento station ang daming nagsibabaan kasama na pati yung mga kaibigan ko bumaba at hanggang dito lang sila ako kasi sa dulo pa. Naiwan ako ng mag-isa. Lumuwag ang paligid at may napansin akong mga nakaupo na kababaihan. Lagi kasi ako sa Girls lane sumasakay para walang mga lalaki. May kumuha ng pansin ko. Yung isang babae na nakaupo. Nakaipit. Maputi at makapal ang kilay. Busy ito sa cellphone nito. Familiar sakin yung mukha niya kaya iniisip ko muna kung san ko siya nakita. Nang maalala ko e siya yung babaeng tumitingin sakin nung nasa church. Dalawa sila that time at nakita ko naman yung isa niyang kasama nun. Nakatayo ito at may kausap. Ang liit nga naman ng mundo para Makita ko ulit tong dalawang to.

Kinuha niya ang phone niya at inabala na lang ang sarili sa paglalaro. Nang may biglang kumausap sa kanya. Nagulat ito ng makita kung sino yung nagapproach sa kanya.

Bea: Hi. I'm Bea. Ikaw po?

Sumagot naman siya ng may pagtataka sa isip.

Jema: Jema po.

Sabay inabot ni Bea ang kamay niya kay Jema at ngumiti.

B: You know what I remember you e, ikaw yung nakaupo sa gilid nun sa church na tinitignan naming ng kaibigan ko. Pasensya na ah at tinitignan ka naming that time plus napagkamalan ka ding someone ng kasamahan ko nun nung pasakay ka na ng cab. Kamukha mo kasi yung kaibigan namin e. Kaya napatingin kami sayo.

J: Okay lang. Ang dami ngang taong napagkakamalan akong ibang tao. Halos lahat na ata kamukha ko e.

Biro niya at sabay nagtawanan

B: Nga pala ipapakilala kita sa kaibigan ko wait

At tinawag niya si Deanna at pinalapit sa kanila. Lumapit naman ito.

B: Jema, si Deanna nga pala kaibigan ko. Deanna si Jema.

Agad naman inabot ni Deanna ang kamay niya kay Jema at ngumiti. At nagpatuloy si Bea sa pakikipagkwentuhan kay Jema. Samantalang si Deanna ay umupo na nahihiyang makipaghalubilo sa kanila saka hindi makapal mukha niya tulad ng kaibigan niyang si Bea. Hahaha

____________________________________________________

Going Back

From: Deanna

Haha cute mo. Sige sige. Wag lang masyadong madami kainin at gabi na. 😊

Cute ko daw? Hmm ayoko bigyan ng malisya sinabi niya. Pero natuwa ako sa sinabi niya haha erase erase. It's nothing. You just met her,Jema. Haler.

Sabay natawa sa sarili niya.

To: Deanna

Haha joke lang. Okay na ako dun sa kinain ko. 😊 Bukas na ulit. Ikaw kumain ka na ba?

Agad naman itong nagreply.

From: Deanna

Halos katatapos ko lang kumain. Papahinga ako now at maya maya ay matutulog na. Ikaw? Ano gawa mo ngayon?

To: Deanna

Nakahiga lang preparing to sleep na. At maaga pa pasok ko bukas. Monday e. May pasok na naman.

From: Deanna

Yeah, I feel you. Kung pwede nga lang umabsent e. hahaha

­­

20 minutes ang lumipas at hindi pa rin nagrereply si Jema, siguro nakatulog na ito. Sabi ni Deanna sa isip. Tinext niya na lang ulit ito para mag goodnight.

To: Jema

Nakatulog ka na siguro, Anyways, good night Jema 😊

Message Sent

Nagpunta na si Deanna sa kwarto niya at natulog na din.

7:00 am nag-alarm ang phone ni Deanna. Nagising naman siya at pinatay niya ang alarm. Natulog ulit siya. After 10 minutes tumunog ulit ang phone alarm niya. Gumising na ito at pinatay ang alarm sabay bumangon.

Maaga kasi ang pasok nito sa school. Tumayo na siya at pumunta ng banyo. After niyang maligo pumunta siya sa kama niya at kinuha ang phone para i-check kung anong oras na nang makita niyang may 1 new message agad niya naman itong binuksan.

1 New Message

From: Jema

Hi Deanna, Good morning. Sorry nakatulog na ako kagabi. Anyways ingat ka kung may pasok ka man. 😊

Magrereply na sana siya ng bigla siyang tinawag ng Tita niya para kumain. Dito kasi siya pinatira ng parents niya na nasa US para daw may kasama siya although sa condo talaga siya umuuwi. Paminsan-minsan dito siya tumutuloy pag nabobored siya mag-isa sa condo niya,

Opo Ta, magbibihis lang ako. Sagot niya sa Tita niya. At agad naman itong nagbihis black skinny jeans, white shirt at white sneakers. Lumabas na ito at dala niya na ang gamit niya sa school.

After niya kumain ay nagpaalam na siya sa Tita niya at kinuha ang susi ng sasakyan. Pagkasakay niya ay naalala niyang hindi pa pala niya nareplyan si Jema kaya kinuha niya ang phone at tinext si Jema.

To: Jema

Hi Jema, good morning din, slr nagprepare kasi muna ako. Anong oras pasok mo ngayon nakaalis ka na ba?

Balak niya kasi sana isabay si Jema sa pagpasok although hindi pa niya alam kung san ito pumapasok. Pinaandar na niya ang sasakyan at inilabas ng garahe. Pinagbuksan naman siya ng gate ng Tita niya.

Thanks Ta, sabi niya sa Tita. Una na po ako. Tumango ito at nagpaalam na.

Maya maya ay tumunog ang phone niya.

1 New Message

From: Jema

9:00 am pasok ko now. Why?

Agad niya naman itong binasa bago pinaandar ang sasakyan.

To: Jema

Sabay ka na sakin hatid na kita. San ba banda bahay niyo?

From: Jema

Naku, wag na. Nakakahiya. Saka baka malate ka pa sa pagpasok mo. Magcocommute na lang ako. Don't mind me. I got this.

Bago pa man mailagay ni Jema ang phone niya sa bag niya ay bigla itong tumunog.

Deanna's Calling ...

Agad niya namang sinagot.

J: Hello

D: I insist, sumabay ka na sakin ihahatid na kita para hindi ka na mahirapan magcommute. Tell me na kung san banda inyo.

J: Hindi ka naman po makulit, ano? Sabay ngiti. Sige na nga since iniinsist mo. Dito lang ako malapit sa Gate 2. Sa kanto tapat lang ng AJ's Store. Abangan na lang kita sa tapat para makita mo ako agad.

D: Okay. Sige. Good. I'm on my way na.

J: Ingat.

End Call



Hello Guys, kumusta po kayo? medyo mabilis ang pag-update ko kasi wala ako masyadong ginagawa sa work ko kaya ito muna pinagkakaabalahan ko. Feel free to vote and comment po. 😊 Mabait po ako hindi po ako nangangain hahaha. Tell me kung may something kayong nakitang mga errors like mali spelling like that pasensya na po. Hope you enjoy guys 😊

I will always love you 💕Where stories live. Discover now