[T W O]

14.4K 168 5
                                    

Chapter 2

"Tataas po ang bayad? Bakit naman po?" Napataas ang kilay ko ng marinig ko ang sinabi ng landlady namin.

"Diba may usapan po tayo noong una pa lang po?" Sabat ni Jonas. "Yung usapan nga po natin ay ako lang mag-isa sa bahay na eto tapos idinagdag mo si Anna tapos ngayon magtataas ka pa po ng renta?"

"Aba. Tumaas din kaya ang mga bilihin." Rason ng landlady namin.

"Ano pong connect ng bilihin sa bayarin sa bahay?" tanong ko sa kanya at sinamaan niya ako ng tingin.

"Hindi naman kayo mag-jowa diba? Pumili na lang kayo. Magdadagdag ako ng tenants dito o tataas ang renta niyo."

"Eh kung dadagdagan niyo po ang titira rito dapat bababa rin ang renta namin." Sanadaling nagkatinginan kami ni Jonas at nagulat ako ng kinindatan niya ako. "Mukhang hindi naman makatarungan ata iyon, Mamita."

Makikita na sandaling natigilan ang landlady namin sa tawag sa kanya ni Jonas. Tumayo na rin siya para lapitan eto at hinawakan ang mga kamay nito.

"Alam mo naman na sobrang hirap pumasada ng taxi, Mamita. Lahat ko na lang na benta ay sa boarding house mapupunta eh paano pa tayo makakapag-date sa katapusan?"

Lihim na napangiti ako sa galawan ni Jonas.

Hindi ko aakalain na ang taong tumulong sa akin na magpagawa ng bagong kilanlan ay siya rin ang magiging housemate ko na nakakasama sa loob ng mahigit na tatlong buwan.

Siguro bukod sa mga kantyaw palagi ni Jonas sa akin ay gusto ko siya bilang tao. Mabait naman siya at maalalahanin kahit palagi niyang pinapatay ang tubig sa banyo ko. Palibhasa sa banyo niya ang gripo na naka-connect sa banyo ko kaya Malaya niyang napaglalaruan ang gripo ko.

Siguro nga ay utang na loob ko ang lahat kay Jonas simula ng umalis ako sa amin. Kahit hindi kami palaging nagpapansinan o vocal sa isa't isa ay ramdam ko ang pag-alala niya sa akin.

Tao pa rin naman siya so far.

May kanyang-kanya kaming kwarto at banyo sa loob ng bahay kaya napapanatiling pribado ang sarili namin.

Ni minsan sa mahigit na tatlong buwan na housemate kami ay hindi siya nagtanong kung ano ang rason kung bakit ako nagpagawa ng pekeng ID at kung ano ang totoo kong pagkakilanlan.

At malamang hindi niya rin alam na buntis ako.

Palaging nakaipit ang tiyan ko sa tuwing lalabas ako o hindi kaya nakasuot ng malalaking damit para hindi mahalata.

Sa ngayon.

Sa ngayong hindi pa gaano malaki at kaya pang itago ang tiyan ko. Tiyak na papaalisin din ako sa diner sa oras na malaman nila na buntis ako.

"O siya. Sige sige. Titignan ko lang muna ang ang renta niyo, nagigipit na rin ako pero hahanap ako ng paraan." Sabi ng landlady namin at ang taas ng ngiti niya kay Jonas.

Tumango lang si Jonas at sinuklian ng ngiti ang Teresita na Landlady namin. Agad naman siyang nagpaalam na mauna na matapos ang pambobola ni Jonas sa kanya.

Napahinga ako ng maluwag ng tuluyang sumara ang pinto ng bahay. "Akala yun na yun." Bulong ko at sa pang-ilang pagkakataon ay makikita ang smug face ni Jonas na kay sarap sampalin.

"Diba? Sabi sa'yo ako ang bahala." Aniya at nairap ako sa kanya ng tingin.

"Yabang heh!" tumayo na ako sa kinauupuan kong papag na upuan. bitbit ko rin ang bag ko dahil pagdating ko ay saktong dumating din ang landlady namin.

Papasok na sana ako ng kwarto ko ng bigla akong tumigil dahil kumalam ang sikmura ko. Napatingin ako kay Jonas na nakatingin din pala sa akin at nakataas ang kilay niya.

The Fore-Player (Nerd's Bedmate Book 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now