Chapter 1

11 0 0
                                    

" Oy ! Unggoy Bangon na mala-late na tayo sa school , kadiri tumutulo pa laway mo ! "
Sabi ng ate ko habang ginigising ako mula sa pag ka tulog.

" Oo sandali lang, dali - dali e ! "
Pag rereklamong maktol ko

" O sige. Maligo ka na at nasa baba na yung almusan mo " Sabi ni ate Venice

Pumunta akong Banyo para maligo.

Hindi parin maalis sa aking isipan ang napanaginipan ko kagabi.

Bakit ?

Anong koneksyon ko sa kanila ?

bakit nangyayari sakin to ?

Pagkatapos kong maligo ay nag bihis na ako at dali daling bumaba para kumain.

" O Unggoy nandito na yung almusal mo. " sabi ni ate Venice

•  •  •  •  •  •  •  •  •  •

Patrishia Shania Santiago
In Short Pat nalang.
Bunso ako sa Tatlo kong magkakapatid. Yung panganay namin e nasa US na, may pamilya na siya, kaya bakit pa namin gagambalain kung dun sa siya masaya?

Galit ako sa kanya !
Siya ang may kasalanan kung bakit namatay si Papa.

*FLASH BACK*


"Wala akong anak na katulad mo " pasigaw na Sabi ni Papa

" P-Pa ! " Nauutal na sabi ni Ate Beth

" Napaka walang hiya mo ! wala akong anak na katulad mo " Pasigaw na sabi ni Papa

"P-Pero Pa M- mahal ko siya Pa " Nauutal na na sabi ni Ate beth

" Lumayas ka ! " Sigaw ni papa

" P-Paaaaa "   Luhang luhang sabi ni ate beth

" Ngayon ! Hindi ka tanggap sa pamilyang to ! Wala akong anak na katulad mo. Lumayas K-Kkkka "
Biglang natumba si papa . Nakahawak siya sa Dibdib at naninigas ang buong katawan.

Nasaksihan ko ang buong pangyayari. Nataranta ako ng nakita kong natumba si Papa.

Gusto kong pumunta sa kanila pero parang nay pumipigil saakin at natuluyan na akong nakatayo . Hindi ako maka galaw.

Nataranta si Mama ng makitang tumumba si Papa.
Walang lakas at hinang hina na.
Sumigaw si Mama ng tulong pero tila'y walang nakarinig.

"Tulooonnggg ! " Sigaw ni mama

" Parang awa niyo na tulong ! " Naiiyak na si mama . Pilit Sumigaw ng Sumigaw

" Ma mabuti pa, dalhin na natin sa Hospital si Papa. Pupunta akong labas tatawag ako ng Sasakyan " Natatarantang sabi ni ate Venice

Nanlulumo ang katawan ni ate Beth.
Hindi siya makagalaw. Iyak siya ng iyak.

" M-ma " Sabi ni ate beth

" Umalis ka Beth ! Umalis ka ! " Pasigaw na sabi ni Mama

Paiyak na umalis at Tumakbo si ate Beth papuntang labas .
at yun na ang huling beses na nakita ko si Ate beth.

Isinakay namin si papa sa Taxi pero sa kalagitnaan ng byahe ay Sumuko na siya.

Wala na si Papa.

Iniwan na niya kami.

-

Pagkatapos ng malungkot na gabing iyon. Araw araw nang umiinom si Mama .
Naawa ako kapag nakikita ko ang  mama kong umiiyak.

Nakakalungkot man pero ayun na yung nagyari e.
Hindi na natin pwede pang ibalik ang nakaraan.

*End of Flashback*
-------------------


" Hoy Unggoy bakit tulala ka? Kumain ka na bilisan mo mala-late na tayo ! " Pag aalalang sabi ng ate Venice ko.


Kami nalang ni Ate Venice at Mama ang naiwan sa pamilya.
Lumipad patungong US ang panganay namin at iniwan niya kami.

Galit na galit ako sa kanya.
Walang kahit anong bagay ang makakapag alis ng galit ko sa kanya.
Wala akong kapatid na katulad niya.

---------

" Ano at nakatunganga ka Unggoy? Tara na " Pag mamadaling sabi ni Ate Venice

" Tara , tutal nakakain naako kahit papaano " Sabi ko

Palabas na kami ng bahay ng biglang pumasok sa isip ko ang mga babae sa panaginip ko.

Sino ba sila?

Bakit ? anong koneksyon nila sakin?

Bat humihingi sila ng tulong ?

Maraming tanong ang pumapasok sa isipan ko.

Nakakalito.

Gusto kong malaman to !

Hahanap ako ng solusyon !


--------------------------------
End of Chapter 1

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 16, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chase me Where stories live. Discover now