Kabanata 30

2.1K 17 0
                                    

Kabanata XXX:
 Si Huli

Tagpuan

 Sa San Diego

Tauhan

Huli - Kasintahan ni Basilio; naninilbihan kay Hermana Penchang.

Hermana Penchang - Madasaling babae.

Padre Camorra - Ang mukhang artilyerong pari.

Buod

Mabilis na lumaganap at kumalat sa San Diego ang tungkol kay Kapitan Tiyago na ito'y patay na at si Basilio ay nakulong.

 Natuwa naman si Hermana Penchang na nag-sasabi na dapat lang maparusahan si Basilio.

 Si Hermana Bali ang nag-balita kay Huli tungkol kay Basilio.

 Nahimatay si Huli nang malaman ang nang-yari kay Basilio. Labis ang pag-aalala nito kay Basilio at naisip niyang wala nang tutulong kay Basilio sapagkat patay na si Kapitan Tiyago. 

Dahil sa kagustuhan nitong makalaya si Basilio, naisipan niyang lapitan si Padre Camorra kahit ayaw naman niya talaga.

 Dahil isang salita lang ni Padre Camorra ay maaari nang makalabas ng kulungan si Basilio. Ayaw niyang pumunta sa kumbento at pumasok dahil natatakot siya kay Padre Camorra, dahil kilala ito na sadyang malikot sa babae.

 Ngunit, kinumbinsi siya ni Hermana Bali at natuloy si Huli sa kumbento.

 Dumating ang gabi ay nag-karoon ng Balita na may babaeng tumalon sa bintana ng kumbento at natagpuan ng patay, ang babaeng iyon ay si Huli. Lumabas si Hermana Bali at nag-sisigaw sigaw at nawala sa katinuan.

Pinuntahan ni Tandang Selo ang kumbento, ngunit tinaboy lang siya rito.

El Filibusterismo Where stories live. Discover now