40

635 18 7
                                    

"Kailan mo balak umamin?" Nilapag ko ang kutsara't tinidor na hawak ko at tinignan sila ng masama.

Nasa cafeteria kami para kumain ng lunch pero pinalayas nila ang Cutie Squad para palibutan at kulitin ako.

Pano nga ulit nila nalaman na gusto ko si Haruto?

"Sandali! Pano niyo muna nalaman na gusto ko si Haruto?"

"G-gusto mo t-talaga si Haruto?" Nagulat ako sa sagot ng kuya ko. At oo, pinapalibutan ako ng jApAnEsE bOiS ngayon without Haruto. Buti nalang.

Kunot noo ko silang tinignan lahat. Pare-parehas lang kami ng reaksyon, gulat.

Sooo... hindi pala talaga nila alam?! Tanga talaga Kira bakit ka ba kasi nagpapadala sa mga kalokohan nila! Argh!

Saglit akong natigilan. Nanlaki yung mata ko bago magsalit. "A-ah! Aalis na pala ako! May klase pa ako! Bye!" Bago pa ako makatayo, pinigilan na ako Mashiho oppa. Ang liit liit na nga pero ang lakas lakas naman amp.

"Nalaglag ka na tanga. Sabihin mo na." Pinitik pa ako ni Mashiho oppa sa noo kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Akala ko nagbibiro lang sila Jeongwoo! Astig!" Gulat na sabi pa ni Mahiro oppa sabay nikapag-apir kay Yoshinori oppa.

"May klase pa ako okay? Malalate na ako!" Tatakas pa sana ulit ako pero sumama na si Asahi oppa para pigilan ako.

"Walang klase ngayon. Pinag-aayos tayo para sa foundation week next week." Banat pa niya. Eto naman, minsan na nga lang magsalita manlalaglag pa.

"Nalaglag ka nanaman. Magsalita ka na kasi." Pilit pa ni Kotaro oppa. Hays mga Japanese to pero oppa tawag ko, sorry sila nasanay ako sa oppa kasi ayon ang tinuro sa akin.

"Ako magsasabi kay Haruto pag di ka nagkwento." Banta ni Kuya. Kaya ayokong timatahimik to eh. May balak lagi.

"Oo na! Nagbibiro pa kasi kainis." Ngumisi naman silang lahat. Nagkwento ako simula sa simula kasi malalaman rin naman talaga yon. Napaaga nga lang.

"Okay na? Masaya na kayo?" Nagtinginan muna silang lahat bago tumalon-talon at magsigawan na parang mga bakla.

"Ako naman magtatanong, bakit ba kayo nandito?! Ginugulo niyo ako!" Inis kong sigaw sa kanila.

Tumigil naman sila saka tumingin sa akin. "Yung bestfriend mo pinapunta kami dito. Sabi niya sa amin tanungin daw yan sayo. Ako kapatid mo pero di mo unang sinabi sa akin, nakakahurt." Umarte pa siya na parang nasasaktan. Binatukan tuloy siya ng mg kaibigan niya.

"Sino ba naman kasi magsasabi sayo? Ang daldal mo kaya." Banat naman ni Yoshinori oppa.

Binatukan tuloy siya ni Kuya hanggang sa naghabulan nalang sila sa cafeteria. Tinignan ko naman yung mga natira.

"May itatanong pa ba kayo? Kung wala pwede na kayo umalis." Taboy ko pa sa kanila.

Sinamaan ko naman sila ng tingin nang umupo pa sila sa mga upuan na bakante sa table. So balak nila magstay at guluhin ako?

"Edi kailan mo nga balak umamin." Nagttwinkle pa yung mga mata ni Mashiho oppa habang tinatanong yon.

Nilayo ko naman yung mukha niya sa akin. "Di ka cute oppa, layas." Taboy ko pa kaya nag pout siya.

"Pero seryosong usapan..." tumigil kami nang magsalita si Asahi oppa. "May balak ka bang umamin?"

Tumigil ako saglit. Tinitignan lang nila ako habang naghihintay ng sagot ko. Nginitian ko muna sila bago sumagot. "Bakit kailangan ko pang umamin kung masaya na siya sa iba?"

"Bobo ka!" Napahawak ako sa ulo ko nang may humampas non. Sobrang lakas na muntik na akong masubsob sa table.

"Aray ha! Maghabulan na nga lang kayo don! Sino bang may sabing sumali ka sa usapan?!" Inis na sigaw ko sa kapatid ko habang hinihimas pa rin yung ulo ko.

"Bobo ka naman kasi talaga." Pakunyaring dagdag pa ni Mahiro oppa kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Parang dati tanga ka lang tapos ngayon bobo na? Umaangat ah, walang balak grumaduate?" Binatukan ko na si Yoshinori oppa sa sinabi niya. Gaganti naman dapat siya pero naunahan na siya ng kapatid ko at binatukan ulit ako.

"Aray! Nakakadalawa ka na!" Bulyaw ko na.

"Ang ingay kita niyong nasa gitna tayo ng cafeteria!" Paalala naman ni Kotaro oppa sa amin.

"Bakit kasi di ka aamin?! May sira ka ba sa utak?!" Inis na sigaw pa rin ni Kuya sa akin.

"Bakit ba?! Ikaw ba aamin?! Kita mong may gusto nga si Yuki kay Haruto sisiksik pa ako!" Bulyaw ko naman.

Nanlaki mga mata nila hanggang sa nagsink in sa akin kung ano yung sinabi ko. "Mali mali! Mali kayo ng narinig! Basta ayoko kasi umamin kainis!" Napaface palm pa ako.

Argh! Bobo ka nga Kira! Bakit mo sinabing may gusto si Yuki kay Haruto! Naunahan mo pa yung aamin inis!

"Aaaaahhh kaya pala..." tumatango tango pa si Kotaro oppa.

"Nagseselos ka pala sa kapatid ko pati kay Haruto ganon?" Asar rin ni Mashiho oppa with up and down eyebrows pa yan.

"Hindi nga ang kulit!" Malakas na sigaw ko. Napatingin tuloy sa amin yung mga tao sa cafeteria kaya sinamaan nila ako ng tingin.

"Tanga ka na nga tapos bobo na idadagdag mo pa na sobrang defensive mo. Manahimik ka pwede?" Iritang sabi ni Asahi oppa sa akin.

Tumayo ako at nagbow bilang sorry sa lahat at nagsigh pagkaupo. "Wag niyong sabihin kay Yuki na nadulas ako at please lang wag niyo na akong pangunahan."

"Tinutulungan ka namin hindi pinapangunahan. Wala akong bobong kapatid kaya umamin ka." Sagot naman ng Kuya ko sa akin. Seryoso pa nga siya kaya tinaasan ako ng balahibo.

"Oo nga! Sayang mga plano namin kung hindi ka aamin kay Haru---" mabilis na tinakpan ni Yoshinori oppa yung bibig ni Mahiro oppa bago niya pa tapusin yung sasabihin niya.

"Plano kanino...?" Kunot noong tanong ko.

"Huh? Anong plano? Wala namang sinabi si Mahiro na may plano kami para sa inyo ni Haruto hehehehe." Depensa naman ni Yoshinori oppa. Napaface palm yung mga kasama niya kaya mas nagtaka ako.

"Para kanino?" Tanong ko naman.

Tumayo naman agad si Kotaro oppa. "Tinatawag pala tayo ni Yedam para tumulong sa booth natin. Tara na." Sabi niya at nauna na maglakad papalayo sa amin.

Tumakbo rin si Yoshinori oppa at Mahiro oppa habang hinabol naman sila ni Mashiho oppa.

Tinignan muna ako ni Asahi oppa bago tumayo. "Umamin ka na kasi." Sabi niya sabay alis na rin.

Kunot noo kong tinignan si Kuya na naiwan dito pero pinitik niya lang noo ko. Mag-iinarte pa sana ako pero nagsalita na siya.

"Confession booth yung amin, baka lang gusto mo malaman." Tinap niya pa balikat ko saka iniwan nalang rin ako dito.

What the heck happened?!

---
I FINALLY UPDATED WOOOHHH!

Ilang araw rin ako hindi nag-update and sorrryyy! Medyo busy po kasi yung week ko ngayon kaya sana po maintindihan niyo!

Malapit na rin matapos tong series one and pagkacomplete na to, magpapublish agad ako ng bago.

ILY! MWA!

Eyes On Me | Watanabe HarutoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora