Prologue

8 1 0
                                    

"Hahahahahaha!" Sobrang lakas ng tawa ko habang nakahawak sa tiyan ko.

Pfft~ pano ba naman? Hahaha!

Nakakatawa kasi si--- sino nga ulit 'to?

"Hahahaha! Teka ano nga ba p-pangalan mo?" tanong ko sa kanya. Sa lalaking kaharap ko ngayon.

Ngumiti siya sabay ayos ng upo. "A-ako po s-si----"

"HOY MAHAL NA PRINSESA GUMISING KA NA!" napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang napakalakas na sigaw ni tita bien.

"T-tita gising na po!" Sagot ko sa kanya. Natatakot kasi ako na baka pagalitan niya pa ko.

Nakikitira lang ako kay tita bien. Hindi ko siya tunay na tita. Sabi niya niligtas ko daw yung anak niya sa isang aksidente kaya tinutulungan niya ko ngayon. Wala kasi akong maalala. Sa kasamaang palad, hindi na kinaya ng anak niya ang pinsalang natamo nito sa katawan kaya sumakabilang buhay ito. Hindi man lang ako nag karoon ng pagkakataon para makilala siya.

"Hay nako hija! Napapadalas na ang pag gising mo ng ganitong oras!" Sabi ni tita ng makababa na ko sa kusina. Maliit lang ang bahay na 'to pero masasabi mo agad na may kaya ang nakatira dahil sa hitsura ng bahay.

"Sorry po tita. Tutulungan ko na po kayo." Sabi ko saka kinuha ang bitbit niyang mga pagkain. May tindahan kasi siya sa di kalayuan. Doon ang punta niya at siguradong gagabihin siya kaya may dala siyang pagkain. Wala kasing lutuan doon.

Bilang kapalit ng pag tulong sa akin ni tita, tumutulong ako sa kanya. Wala kasi siyang kasama dito. Medyo naaawa din ako sa kanya. Namatayan na nga, nag hahanapbuhay pa. Nakakaguilt din na pinapatira na nga niya ako ng libre, pinapakain niya pa ko ng libre. Sobrang bait talaga niya.

Ngumiti si tita at hinaplos ang aking buhok. "Hay nako kang bata ka, oo. Napakabait mo talaga. Sige ka, baka pag nakaalala ka na ay hindi na kita ibalik sa tunay mong pamilya." Hahaha natawa ko sa biro ni tita. Lagi siyang ganito pag tinutulungan ko siya. Alam ko naman kasi na mamimiss niya ko kung sakali mang dumating ang panahon na iyon. Ipapangako ko talaga sa sarili ko na tatanawin ko ng napakalaking utang na loob ang ginagawa ni tita bien sakin ngayon.

Siguro gusto niyo nang malaman kung sino ako 'no? Well, hindi ko alam ang pangalan ko. Matapos ang aksidente ay wala na akong matandaan na kahit ano. Kahit pamilya ko, kahit pangalan ko mismo. Hindi ko din alam kung saan ako nakatira. Mabuti na lamang at nandito si tita bien para alagaan at kupkupin ako.

Anicka Jane. Yan ang pangalan ngayon habang wala pa kong maalala. Sabi ni tita, AJ daw ang palayaw ko. I kinda like my name hahaha. Charot. Mas gusto ko parin malaman ang tunay kong pangalan.

Nandito na kami ngayon ni tita sa tindahan. Ako na ang nagbukas ng tindahan at nag ayos ng paninda. Si tita naman ay dumeretso sa kanyang desk at nagkwenta ng kinita kahapon. Minsan na akong napag utusan ni tita na ako na daw ang magkwenta ng kinita pero umayaw ako kasi natatakot ako na baka magkulang. Natawa pa nga 'non si tita eh. Pinagkakatiwalaan niya naman daw kasi ako.

Ilang oras pa ang nag daan at sobrang daming bumibili. Si tita ay ang nag silbing taga sukli at ako naman ang taga abot ng binili. Tapat lang kasi ng eskwelahan ang tindahan ni tita.

*yaaaawwwnnnn*

Tinakpan ko ang mukha ko, pagod na pagod na ako. Nakakapagod kasi buong araw na akong nakatayo.

"Aj, matulog ka muna saglit." Wika ni tita.

"Pero tita 'pano ka?" Sagot ko.

"Matulog ka na muna at baka kung mapaano ka pa." Seryosong tugon ni tita. "Alam mo namang nakakasama sayo ang sobrang pagod, Baka di mo kayanin." Sabi ni tita. Nag aalala talaga siya sa health ko. Sariwa pa kasi sa katawan ko ang sakit dahil sa aksidente. Hindi ko din alam kung anong klaseng aksidente ang nangyari. Ayaw din sabihin ni tita. Hindi ko na din siya pinilit kasi baka malungkot lang siya pag naalala niya ang ikinamatay ng nag iisa niyang anak.

Hindi ko na sinagot si tita. Wala naman akong magagawa eh. Saka antok na din ako. Kinuha ko ang foam na nakasandal sa kabinet na pinaglalagyan ng mga alak at inilatag sa likod ng kabinet. Dun namin ni tita nilalatag yun pag inaantok kami para hindi kami makita ng mga bumibili. Sinapinan ko iyon at saka ko kinuha ang unan at kumot. Saka ko ipinikit ang aking mata.

Mapait akong ngumiti. "Magkikita na naman tayo." Bulong ko sa hangin.

"Uy tekaaa! Hayst! Ang bilis mo tumakbo!" Singhal ko sa lalaking kaharap ko.

"Kashi po beybi baka di natin maabutan yung ayshkrim." Wika nito na parang bata. Normal na sa kanya ito.

"Baby ka jan?! Tingnan mo di na tuloy natin naabutan." Turo ko sa icecream truck na palayo ng palayo.

Mabilis na nangilid ang luha nito at saka sumimangot. Kakamot-kamot di niya akong tiningnan na parang humihingi ng paumanhin.

Tsk, cute.

T-teka ano?!

Wala akong sinabi ha!

Putcha.

"Tigilan mo nga ko sa kagaganyan mo! Makakatikim ka sakin. Hayst!" Gigil kong saad. Napapikit na lang ako sa sobrang gigil. Kundi dahil sa kanya hindi makakalayo yung icecream. Sobrang nag kecrave pa naman ako dun.

"Shuri na po" pagmamakaawa niya.

Manigas ka jan! Bwisit!

Tinalikuran ko siya at iniwan doon na nakayuko. Umuwi na ako sa bahay niya. Oo, sa bahay niya. Ewan ko kung bakit. Nakalimutan ko kung bakit. Basta ang alam ko lang ay dito ako nakatira.

Bubuksan ko na sana ang tv ng may marinig na tawanan sa labas ng bahay.

Shit.

"HAHAHAHAHAHA TANGINA SINTO-SINTO, MAY PAMBILI NG ICE CREAM?" sigaw ng lalaking di ko kilala pero payatot at matangkad.

"HAHAHA PARE TINGNAN MO OH! HAHAHAHAHA NANJAN NA YUNG SINASABI NIYANG MISIS NIYA." napalingon ako sa nag salita at laking gulat ko ng makitang sa akin ito nakatingin.

"PARE CHIX! HANEP ANG GANDA NG KUTIS, ANG HABA NG LEGS----" hindi natapos ng lalaki ang kanyang sinasabi ng bigla ay may sumuntok sa mukha niya.

Napatulala ako ng makita ko kung sino ang sumuntok sa kanya. "WAG MONG BINABASHTOSH SHI BEYBI KO HA!" sigaw ni----

"Hija gising na, mag sasarado na tayo." Nagising ako sa mahinang tapik ni tita bien sa aking pisngi.

Niligpit ko na ang mga paninda at inayos ang aking pinaghigaan. Dumeretso ako sa cr at naghilamos na muna bago isara ang tindahan.

Napalingon ako kay tita na ngayon ay hinahantay na akong sumakay ng trycicle.

"T-tita masama ang pakiramdam ko, pwede bang wag mo muna ako gisingin bukas ng maaga? Susunod na lang ako sa tindahan." Sabi ko kay tita ng makababa kami sa trycicle.

"Bakit hija? May masakit ba sa iyo?"

Umiling ako, "medyo masama lang po talaga ang pakiramdam ko." Sagot ko kay tita.

Napabuntong hininga na lamang siya. "Alagaan mo ang sarili mo hija, hindi ko na kayang pati ikaw ay mawala." Seryoso niyang tugon. Pilit akong ngumiti at yinakap si tita.

"Syempre naman po." Malambing kong saad.

Nang matapos kumain ay dumeretso agad ako sa kama.

"Ano ba talaga ang pangalan mo?" Mahina kong sabi.

Hayst nababaliw na ata ako. Pati lalaki sa panaginip ko araw-araw ay pinagkakainteresan ko.

Hindi ko alam kung bakit pero parang na eexcite akong matulog.

Hayst.




















Hį pHœX!

~ajo♡

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 10, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dream Come TrueWhere stories live. Discover now