Pangatlong Pagpapaubaya

2.6K 54 8
                                    

“FRECY!” sigaw iyon ni Marga.

Agad na hinanap ni Frecy ang pinanggalingan ng boses nito. Hindi niya alam kung ano ang nangyari ngunit ilang minuto pa lang siyang naglalaro ng billiards kasama ng isa pang applikante nang magkagulo ang ibang customers. Bahagi ng final assessment nila ang mocked game na iyon.

“Marga!” sigaw ni Frecy at buong-tapang na sumugod sa gitna upang tulungan ang kanyang kaibigan.

Nakita niyang nasa gitna ng riot si Marga at nahihirapan sa kakailag mula sa nagsusuntukang mga lalaki. Ang ibang mga tao sa bar ay mabilis na lumabas upang makaiwas sa gulo. Hustong nahawakan niya ang kamay ni Marga nang may biglang humila sa kanya tungo sa pinto ng bar na iyon.

“Bitiwan mo ako!” angal niya.

Dahil sa pakikialam nito ay nabitiwan niya ang kamay ni Marga. Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas upang mabawi ang kanyang kamay mula sa estrangherong walang kaabug-abog na humila sa kanya tungo sa pinto.

“Ano ba? Bitiwan mo ako sabi!” angal niya. “Marga!” muli ay tinawag niya ang kaibigan.

“Suicidal ka ba talagang babae ka? Get the hell out of this place kung ayaw mong mapahamak!” galit na tanong ng estranghero nang muli ay nahawakan siya nito sa braso.

Natigilan siya nang makilala ang tila pamilyar nitong boses. Dahan-dahang nilingon niya ito at tiningala. Agad siyang napasighap nang tumambad sa kanya ang galit na anyo ni Ji Geun Park.

“J-jigs? A-anong ginagawa mo dito?” hindi makapaniwalang tanong niya. Bakit sa dinami-dami ng tao sa buong Davao ay ito pa talaga ang maka-tiyempo sa kanya doon?

Coincidence ba iyon?

No. Serendipity iyon. Tukso pa ng isang bahagi ng kanyang utak.

She immediately dismissed the thought.

“Frecy! Lumabas na tayo rito baka madamay pa tayo sa—” narinig niyang napasighap din si Marga.

Halatang namumukhaan din nito si Jigs. Lihim siyang nagpasalamat dahil hindi napahamak ang kaibigan niya ngunit hindi niya magawang lumingon man lang dito. Nananatiling nakapako ang titig niya kay Jigs. Nakakunot ang noo nito habang nakayuko sa kanya. Malayong-malayo sa mabait at accommodating nitong anyo noong huling nagkausap sila.

“Sumama ka sa akin,” tila naiirita nitong sambit at muli ay marahas siyang hinila palabas sa bar na iyon.

Tila instinct na ang paghawak niya kay Marga. Tuloy, naghilaan silang tatlo palabas ng bar na iyon. Sinabihan pa nito ang nadaanan nilang guwardiya na nagkakagulo sa loob. Nang makadistansiya na sila sa pinanggalingang bar ay saka ito huminto at humarap sa kanya.

“Sandali! Tatanungin ko muna kung tanggap na ba ako!” angal niya at sinubukang kumawala sa hawak nito.

Ngunit lalo lamang humigpit ang pagkahawak nito sa kanyang braso. May pakiramdam siyang magmamarka sa balat niya ang kamay nito kapag tuluyan na siya nitong pinakawalan.

“Kung inaakala mong papayagan kitang bumalik sa loob, nahihibang ka na. Gusto mo ba talagang mapahamak kaya ka nakipaglaro doon?” tila naging isang linya na ngayon ang kilay ni Jigs. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Kabaliktaran sa super pa-cute nitong mga ngiti noong una silang nagkakilala.

“P-pero trabaho ko iyon. Kailangan ko ang trabahong—”

“Bakit ba ganoong uri ng trabaho pa ang naisipan mong pasukin?” putol nito sa sasabihin niya. Lalo pang nagdilim ang anyo nito.

“W-wala ka nang pakialam—”

“Walang pakialam?” nagdilim ang anyo nito. Marahas siya nitong hinila palapit sa katawan nito. “Muntik ka nang mapahamak sa loob at pagkatapos sasabihin mong wala akong pakialam?” dugtong pa nito malapit sa kanyang mukha.

The Perfect Heroine [PHR]Where stories live. Discover now