Ika Dose

277 10 0
                                    

Chapter Twelve

"ANO yon, Ateng? Bah! May pa hatid hatid na si Fafa Mighty sayo ah!" Agad na bungad ni Erza sa kanya pagkapasok nya sa classroom nila.

Ang mga tsismosa rin nilang kaklase ay nakikinig sa kung ano man ang sasabihin nya. Tsk! Wala na bang ibang talent ang mga to?

"Ang alin?" maang maangan nya rito. Inikutan sya nito ng mata kaya natawa sya.

"Wag ka ngang mag maang maangan dyan! Dali na! Ano yon hah? Tuloy na ang panliligaw ni Mighty sayo?" singit rin ni Alwyn dito. Umirap nalang sya sa eri tsaka umupo sa upuan nya.

"Wala, sumabay lang yon" walang paki alam nyang sagot sa mga ito.

"Oh? Bat ka namumula? Ha? Ha? Kinikilig lang ateng!" shit! Nakakainis talaga ang bunganga nito. Tinutusok tusok pa nito ang tagiliran nya. Sinaway naman nya ang mga ito pero panay parin ang tukso sa kanya.

"Nag blush on ako Erza kaya wag kang ano dyan?" kunwaring inis nyang sagot rito. Kahit alam nyang di naman tatalab sa mga ito ang ganyang drama nya.

"Sus! Wag mo nga kaming pinagloloko ineng! Kumikislap ang mga mata mo! Wag kang magkaila!" talak nito sa kanya.

"Ano tong mata ko? Christmas light? Tsk" inisnob nya lang ito.

Nag pasalamat naman sya dahil sa pagpasok ni Sir Sanchez. Agad naman itong nagsimula sa pagdidiscuss at kung ano ano pang mga problems na sinusolusyonan.

"Bilis naman Ateng! Gutom na ako." pag aapura ni Alwyn at Erza sa kanya habang nagliligpit sya ng gamit. Di rin magkamayaw ang mga kaklase nya.

Pano ba naman! Naghihintay sa labas si Allen habang seryoso itong nakatitig sa kanya. Bwisit ah! Mas binagalan pa nya ang pagliligpit kahit gutom na sya.

"I'll help you" napatindig sya ng maayos ng narealize nyang pumasok na si Allen sa classroom nya. At heto tinutulungan syang magligpit ng gamit. Tsk! what's the use of this alibi. Kainis ah!

"No, its fine" pero di ito nagpaawat sa pagtulong sa kanya sa pagliligpit. Binigay nito ang kanyang ballpen na nahulog tsaka nya inilagay sa bag nya yon.

Matapos nyang mag ayos ng gamit sa tulong ni Allen ay sabay sabay na silang lumabas ng classroom. Papuntang cafeteria ay hindi rin matigil tigil sa kakasalita si Alwyn at Erza. Panay ang irap nya sa mga ito dahil pinapatamaan sya ng dalawa.

"Naku! Kung ako talaga inanyaya ng isang Mighty upang mag sabay sa pagkain! Di ko tatanggihan! Sunggab to da max na yan Ateng!" patuloy parin na talak ni Erza. Pang ilang irap na nya ba sa araw na to?

Pagpasok pa lang namin sa cafeteria, lahat yata nang mga mata ay nakatutok sa amin. Mighty's friends are sitting in their table already. Their attentions are all on us. Tsk! What's the big deal in this?

I saw Lina and her friends together with Mighty's. I thought didiritso si Mighty sa mesa nya. But to my surprise, sa table namin sya umupo. Kumuha pa sya ng isang upuan para sa kanya. Tinaasan ko nalang ito ng kilay ng tumingin sya sakin. Pero nag kibit balikat lang ito.

Naupo na rin sya sa dating inuupuan nya. Aalis na sina Alwyn at Erza para pumila sa counter. At plano nya talagang sumama para hindi maiwan sa mesa nila kasama si Allen. Pero pinigilan sila ni Allen.

"Dude!" tawag nito sa mga kaibigan nito tsaka tumayo. Sumunod naman sa kanya sina Mathew at Jamil diritso sa pila. Tiningnan sila ng masama ng grupo ni Lina pero binaliwala lang nila ito. Samantalang ngiting ngiti naman ang dalawang kaibigan nya.

Pinanuod nya si Allen kasama ang mga kaibigan nito habang pumipila. Ang mga babaeng malapit dito ay parang mga uod na binudburan ng asin kung maka galaw. May iba pang malanding humagikhik sa tabi. Panay rin ang lingon ng mga babaeng nauna sa pila. Binalik nya ang tingin kay Allen pero seryoso lang itong pumipila. Parang di man lang napapansin ang mga kabakaihang kanina pa nagpapapansin aa kanya.

Kunot ang nuo nito habang may ibinulong si Mathew dito na nakasunod lang sa pila sa likod nito. Inilingan lang nito ang kaibigan habang panay naman ang pag ngiti ngiti ni Mathew at Jamil matapos itong bumulong. Parang inaasar ito ng mga kaibigan pero di lang nito pinatulan.

"Matunaw yan Ateng!" Natauhan sya sa sinabi ni Erza sa kanya kaya kunot nyang binalingan ang kaibigan. Di man lang nya napansin na kanina pa pala sya nakatitig sa pila.

"Tss!" sabi nalang nya para di sya kulitin ng dalawa, pero tinawanan lang sya ng mga ito.

"Ano na? Talim makatingin ni Lina sayo oh." nginuso pa nito ang kabilang mesa kung saan ang grupo ni Lina.

"Mamatay sya sa kakatingin nya" pambabaliwala nya rito. Ayaw nyang patulan ang masamang tingin ni Lina dahil wala sya sa mood.

"Nga pala. Na tanong mo ba si Tita kung kilala nya ang pamilya ni Lina?" bumaling sya kay Alwyn dahil sa tanong nito at tinangohan ang kaibigan.

"Mom knows them. I asked her about what Lina's mother called me, she said they just want to capture others attention. Though, totoo naman yon, pero parang may something and I don't know what." yan talaga ang pumapasok sa isip nya kanina habang nag aagahan sila. The way her mother's expression changed. Parang hindi lang ito sinabi ang totoong reason. Or maybe I'm just being paranoid again.

Iniba nalang nila ang usapan ng bumalik na sa mesa nila si Allen dala dala ang tray ng pagkain nila. Bitbit rin ni Mathew at Jamil ang tray na para kay Alwyn at Erza. Di naman magkamayaw sa ngiti ang dalawa. Not to mention na mga campus heartthrobs ang nag dala ng pagkain nila. Nasa kanila ang atensyon ng lahat.

"Here, eat well" inilapag ni Allen sa harap nya ang mga pagkain. Napakurap kurap pa sya dahil sa dami ng binili nito at para lang sa kanya! Dahil meron din itong para sa sarili. Tiningnan nya ang sa mga kaibigan nya, marami rin pero mas marami talaga ang sa kanya!

"Anong gagawin ko rito?" tanong nya pero sinimangotan sya nito. What the?!

"Eat that. " utos nito sa kanya.

"What? Ang dami nito! Anong akala mo sa akin?" inis nyang tanong rito.

"You should eat a lot. Kaya ka nagkakasakit kasi ang unti lang ng kinakain mo eh." tsaka sya nilagyan ng kanin at ulam sa plato nya. Naka ngisi naman ang mga kaibigan nito pati na rin si Alwyn at Erza. Napapikit nalang sya sa inis at kumain na.

Sinulyapan nya si Allen na may ngiti na nakaguhit sa labi nito. Lihim na lang rin syang napangiti dahil dito.

Panay ang sulyap ng mga estudyante sa kanilang table. Nakiupo rin kasi ang mga kaibigan ni Allen sa table nila.

The perks of being a heartthrob! Tsk!

⏳🐇

Painful Sceneries-COMPLETED (UNEDITED)Where stories live. Discover now