Chapter 17

477 70 4
                                    

Nathallia's P.O.V

"Nath, wake up!" panggisising ni Caliyah sa akin. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at halos mapatalon pa ako sa gulat nang mapagtantong nasa cottage ako.

Paano ako napunta dito sa House Cottage? Y-yung wedding... I mean fake wedding... Panaginip lang ba yon?

Tinignan ko ang suot kong damit at hindi ko na suot ang wedding gown, kung ano ang suot ko bago pumasok dun sa daan na yon, suot ko ngayon.

Ginigising ako ni Caliyah... So ibig sabihin panaginip lang ang lahat?

Tss. Ba't ba parang nanghihinayang ako? Damn Nathallia! Umayos ka. Mali 'to! You shouldn't feel this way.

"I know what you are thinking" sabi ni Caliyah, 'tsaka ko napansin na hindi lang ako ang malalim ang iniisip. Maski sina Althea at Haidee ay ganon din. "Last time na pumunta ako dito kasama ang ex ko, pumasok kami sa isa sa mga daan na yon, then Something wonderful happened. At first, I thought it's just a dream but... totoo sya. It's one of their pakulo" kwento ni Caliyah.

"Girls, breakfast is ready!" kumatok si Raider sa pinto at niyaya kaming kumain. Nagsipagtayuan naman kami at lumabas.

Pagdating namin sa table ay nakahapag na ang mga pagkain. Kakain na sana kami pero bigla kaming natigilan nang may biglang nag ring na phone, kaya kanya kanya kaming tingin sa mga cellphone namin.

"Excuse me!" sabi ni Raider, 'tsaka sya lumayo para sagutin ang tawag.

Pare-parehas ba kami ng ringtone? Mapalitan nga mamaya.

"I'm sorry Guys, but I really need to go! Mauna na ako sa inyo. Nagka Emergency lang" mahinang sabi ni Raider.

"What happened?" I asked.

"I'm sorry babe. I really need to go. Kailangan daw ako ni Dad. He told me it's urgent" sagot ni Raider.

"It's okay babe. Just take care. Ikamusta mo na rin ako kina Tito" Sabi ko at tinulungan na syang mag pack ng gamit. Dali dali naman syang umalis nang matapos naming ayusin ang mga gamit nya. Mukhang kailangang kailangan talaga sya don.

Mayamaya lang ay napagpasyahan naming mag swimming sa beach, para naman masulit namin tong place. Sayang naman.

May swimming pool din ang Beach resort na ito, kaya nung medyo madilim at lumalakas na ang alon sa dagat, sa pool naman kami.

Nag paligsahan naman sa paglangoy ang mga boys. Pare pareho silang magagaling pero nangunguna si Justin. Kasali pala sya sa swimming team ng school nila noong junior highschool.

"Wait! Nasaan si Haidee? Kanina ko pa sya hindi nakikita" tanong ni Althea.

"Baka nasa House Cottage na, nainip siguro" sabi naman ni Caliyah.

Nang malalim na ang gabi at malamig na rin ang tubig ay bumalik na kami sa House Cottage para magpalit ng damit.

"Nasaan si Haidee? Mukhang Wala sya dito" takang tanong ni Justin

Napansin ko namang may kinuhang papel si Joseph sa may Lamesa.

"I'm sorry guys pero nauna na ako. Thank you nalang! I want to stay pa sana pero nagka emergency sa bahay, kaya di na rin ako nakapag paalam in person. -Haidee" pagbabasa ni Joseph sa sulat.

"Paano ba Yan? Tayo nalang palang anim. Anong plano?" tanong ni Ian, na parang may balak gawin na sa wakas ay matutupad na nya. Tss!

"Gaya ng Dati!" sabi naman ni Althea.

Nilapag ni Ian ang bote ng alak, ang chaser at ang pulutan. Handang handa ang loko. Binalak ata talaga ito.

"Sayo na ang unang tagay Thundsss" masayang sabi ni Thea.

The Person You Love Will Never Be YoursWhere stories live. Discover now