TWO

1 0 0
                                    

Janella POV

"Oyy! Galingan mo sa laban mo ah! Wag kang magpapatalo dun kasi mas malakas ka dun! Wag ka rin masyadong magpagod kasi magkakasakit ka"

"Opo! Grabe ka naman sakin ginawa mo akong bata sa pinagsasabi mo eh"

"Ganun talaga! Mahal kasi kita eh"

"Ayy ang aga aga mo namang naging sweet siguro may kasalanan ka noh?!"

"Huh? Wala ah! Loyal po ako sayo Maam hindi po ako maghahanap ng iba dahil sayo palang sapat na"

"Sus! Ikaw talaga..wala akong pera para sa mga sweet lines mong yan"

"Hindi ko naman hinihiling yung pera mo! Ang hinihiling ko yang puso mo na sana ay sakin lang din"

"O siya, babye na at aalis na kami dahil sa laban maya ulet"

"I love you! Ingat ka ah yung sinabi ko sayo wag mong kakalimutan!!"

I love you too!! Opo! Susundin ko po"

I remembered that day again..

Ang aga ko na naman nagising ano ba naman toh

"Ma! Umalis na ba sila kuya?" Tanong ko kay mama habang inaalog siya para magising

"Oo! Umalis na" sagot niya at hinihila ang kumot niya

"Nagluto ba siya ng baon namin?" Tanong ko sakanya habang inaalog parin siya

"Hindi ko alam!! bumaba ka dun para malaman mo!! Natutulog yung tao" sigaw niya kaya umalis na ako sa kwarto nila at bumaba para tignan kung may niluto si kuya samin

Empty

Wala siyang niluto kaya magluluto ako ng pambaon namin ng bunso naming kapatid

"Jade! Bilisan mo ang pag-ligo malilate na tayo!!" Sigaw ko sa kapatid kung antagal maligo

Jade Madrigal,

14 years old

Ang bunso naming kapatid

|Class |

"Janella! Nakita ko kayo kahapon" Nakangiting sabi sakin ni Pia

"Sino?" Nagtatakang tanong ko

"Ni ano....nagkatinginan kayo!!" kinikilig niyang sagot sakin

"Ahh akala ko kung ano na hahaha" pagsang-ayon ko sa kwento niya

"Ayiiee! Comeback na ba?" tanong niya sakin

Parang sinabi mong magpapakatanga na naman ako tapos ako na naman masasaktan

"A-Ahh wala na yun..tagal na nun eh" sabi ko nalang sakanya

"Sana may 2nd Change pa..Kasi deserve niya yun hindi mo siya hinayaang magpaliwanag eh" sabi sakin ni Pia

Para saan pa ang paliwanag kung magsisinungaling lang din siya??

Tinawanan ko nalang si Pia sa sinabi niya sakin

"Oyy! MANAHIMIK NGA KAYOOO!! SOBRANG INGAY NIYOO!!" Sigaw ko sa mga kaklase ko

Agad naman silang nanahimik at nagdaldalan ng tahimik

"Janella! 1 year na kami hehehe syer ko lang" Sabi niya sakin

"Yiee congrats!!" Sabi ko naman sakanya

"Papayuan kita ah!" Sabi ko kay Pia

"Sige ba!" Agad na sagot niya

"Hmm..Pag may tampuhan dapat ayusin niyo agad tapos kapag nagkaselosan wag masyadong magalet lambingin mo!" Sabi ko sakanya na ikinangiti niya

"Hahaha yes ma'am!" Sagot niya sakin

"Heh!" Sabi ko sakanya at naglakad palabas ng room para bumili ng makakain

Habang bumaba ako parang may nakasunod sakin maybe bababa rin siya kaya minadali ko ang paglalakad at dumiretso ng canteen

"Ate! Isa nga pong richeese tsaka blue" sabi ko sa tindera at inabutan ko ng 100 pesos

"Gutom ka na naman" nagulat ako ng may nagsalita sa gilid ko at mas nagulat ako ng malaman ko kung sino

Si Ranz

"A-Ahh wala namang bago eh! Lagi naman talaga akong gutom" sabi ko pero nginitian niya ako

"Wala na bang nag-aalaga sayo?" tanong niya

"Huh?" -Me

"Sabi ko, masaya ka ba ngayon?" Parang hindi ako makahinga sa itinanong niya sakin

Masaya ba ako??

"Oy! Janella! Kanina pa kita hinahanap eh! Nagulat si Pia kung sino ang katabi ko kaya alam kung deep inside kinikilig na yan

"Ayyy sorry..nakaistorbo ata ako sainyo sige antayin kita sa classrooom ah" kinidnatan niya ako at umalis na agad

"Miss! Ito na yung richeese tsaka blue mo" sabi ng tindera kaya kinuha ko

"Janella!" Tawag sakin ni Ranz

"Ano yun?!" Sagot ko

"Masaya ka ba? May boyfriend ka na ba ulet??" Nagulat ako sa tinanong niya

"Masaya ako kahit wala akong boyfriend!" Sabi ko sakanya

"So, may chance pa ba ako sayo?" Hindi ko alam kung maiinis ako sa tanong niya pero tangna naiinis ako

"Chance? Para san pa?" Tanong ko sakanya

"Para makipagkaibigan? O higit pa?" Sagot niya

"Well, sorry marami na akong friends at hindi na kita kailangan" Sabi ko sakanya at naglakad palayo sakanya

Bakit siya humihingi ng chance?

Para saktan ulet ako??

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 11, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Storya Ni Janella MadrigalWhere stories live. Discover now