Chapter Twenty Two: CAT

25.7K 626 48
                                    

CHAPTER TWENTY TWO: Cat

"Sige po, Uncle Mon! Alis na po ako't may dadaanan pa ako." Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa sofa dito sa sala ng bahay ni Tito Ramon--ang talent manager na may hawak kay Jo--at ngayon, ang may hawak pati sa akin.

"Sige, sige." Matawa-tawa siya. "Basta sundin mo lang ang payo ko at magagawa mo rin 'yan."

Ngumiti ako nang malapad. "Hm, salamat po. At pati rin po pala rito, salamat po." Winagayway ko ang hawak kong magazine.

"Sus. Complimentary copy mo 'yan kaya huwag kang magpasalamat. Eh dalian mo, umalis ka na." Ginamit niya ang kamay niya para senyasan ako na umalis na. "Ipagmayabang mo na 'yan sa asawa mo."

Natawa pa ako sa pagdiin niya sa salitang asawa, bago ako lumabas ng apartment niya.

Asawa... Si Millie... Hindi na ako makapaghintay na maging asawa ko na nga siya...

Pagkasakay ko sa sasakyan ko, ngiting-ngiti kong tinignan itong magazine na binigay sa akin ni Uncle Mon. Brochure talaga ito ng isang South-East Asian clothing line at sa loob ng issue na ito ay may ilang kuha ako na mino-model ang ilan nilang damit. Karamihan sa mga iyon ay men's shirt at ang iba ay jeans.

Naging official model na nga ako, isang buwan na rin ang nakararaan. Side line lang din naman ito kasabay ng part time job ko. Kinuha ko na ang oportunidad na iyon para dagdag kita. Sa isang buwan, manganganak na si Millie eh at hindi naman puwedeng iasa na lang namin ang lahat ng gastusin sa mga magulang namin. T'saka, si Millie na rin naman mismo ang nangumbinsi sa akin na ituloy ko na 'to. Kung gagawin ko naman daw kasi ito para sa kanila ng anak namin, ayos lang sa kanya.

Ngayon, nae-excite ako sa magiging reaksyon ni Millie sa na-gwagwapuhang kuha ko rito--at maging sa mga kuha kong kasama si Jo. Magseselos kaya siya?

Sabi niya, hindi na raw niya pagseselosan si Jo. Wala naman daw kasing dahilan para magselos siya lalo na nang sabihin kong may boyfriend na ito. Pero si Millie pa. Alam niyang malandi ako kaya malamang lang na makaramdam pa rin siya ng takot sa pagiging magkatrabaho namin ni Jo. Pero ako pa. Siyempre, alam kong dumamoves para iparamdam sa kanya na ang pusandi ay para sa askal lang.

At ngayong araw, hindi ko na iyon balak na basta iparamdam na lang. Dahil papatunayan ko nang siya lang ang mahal ko at ang gusto kong makasama habang buhay.

Ibinaba ko na ang magazine sa passanger seat at nakangiting ini-start ang makina ng sasakyan ko. Oras na para simulan ang plano ko.

*

Pa-alas kuwatro na ng hapon nang makauwi ako kina Millie. Dumaan pa kasi ako ng mall para kunin ang napakahalagang sangkap sa pagtatagumpay ng plano ko--plano na muling yayain si Millie na magpakasal. At sa pagkakataong ito, gagawin ko ito sa paraang hindi na siya makakatanggi pa.

"Nandito na ko!" Sambit ko pagkapasok ko ng bahay. Pero walang tao sa sala. Malamang nasa taas si Millie, natutulog o hindi kaya ay naglilinis. Sana naglilinis na lang para magawa ko na ang binabalak kong gawin.

Pumanhik ako sa kuwarto niya, at wala sa mga hinala ko ang ginagawa niya. Hindi siya natutulog o naglilinis. Bagkus ay nakaupo siya sa study chair niya, himas-himas ang malaki niyang tiyan habang gumagamit ng laptop.

"Uy askal ko," bati ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya.

Ngumiti siya. "Nakauwi ka na pala... Anong gusto mong hapunan mamaya?"

"Uh, kahit ano." Pumuwesto ako ng upo sa kama niya. Nagpatuloy naman siya sa pagla-laptop.

Hmm, paano na ba... Ipapa-scan ko sa kanya itong brochure at pagseselosin ko siya sa kuha na naka-akbay ako kay Jo. Tapos ilalabas ko 'to...

Cat & Dog BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon